VEINTISIETE

288 7 0
                                    

Chapter Twenty Seven

Binaba ko na ang mga paraphernalia na dinala ko at pinasok ko sa ilalim ng kama para walang makakita na kahit na sino, buti nalang at kakilala ni Neon ang may ari ng Hotel na ito kung saan kami mananatili ni Ace kaya hindi na nila ininspeksyon ang gamit namin.

"Lets eat" napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko ang boses ni Ace na nasa pintuan, tinanguan ko nalang siya bilang pagsagot at pinuyod ang buhok ko bago lumabas ng kwarto, iisang room lang ang ni rent namin for two weeks na may dalawang separate room.

mas madali daw kasi na sa iisang kwarto na lang daw kami dahil kapag mas madaling mag usap kung isang katukan lang kami ng kwarto dahil magkatabi lang naman ang pinto at maayos na rin siguro iyon incase of emergency.

"Did you cook all of this?" tanong ko sa kanya ng makarating sa may kusina dahil masyadong napakaraming mga lutong ulam ang nakahanda kahit na dalawa lang naman kami ang kakain, "Yeah you have to gain weight" casual na sagot niya dahilan para mapataas ang kilay ko.

"Why would I? don't you know na mahirap magpapayat?" taas kilay na tanong ko sa kanya dahil ilang taon din ang tinagal ko noong bata pa ako bago ko matanggal lahat ng baby fats ko sa tiyan, "You're so thin" walang ganang sagot niya at inilagay sa harapan ko ang isang platong puno ng kanin.

napairap nalang ako at umupo na sa hapagkainan at nag umpisa ng kumain, wala naman kasi akong choice dahil nasa plato ko na lahat ng dapat ko kainin dahil inilagay na niya sakin halos lahat ata.

Hindi ko maiwasang mapatingin kay Ace dahil sa sarap ng mga pagkaing niluto niya, kung tama ang pag kaka alala ko ay masarap din ang niluto niya sakin nung unang beses na napunta ako sa bahay niya dahil sa iniligtas namin si Charlotte.

"What?" taas kilay na tanong niya sa akin ng mapansing nakatingin ako sa kanya dahilan para dali dali akong nag iwas ng tingin, hindi ko alam pero ang bilis ng kabog ng puso ko na akala mo ay hinahabol ng isang daang kabayo.

"May naalala lang ako, Saan ka pala natuto mag luto?" pagtatanong ko sa kanya dahil kakaiba ang pakiramdam ko sa paligid. "Mahilig kumain ang Fiancee ko nung mga bata kami, that's why i decide to learn how to cook" sagot niya sa akin at isang nakakakilabot na katahimikan na ang bumabalot sa amin.

nagpatuloy nalang ako sa pagkain ko dahil ayoko na i open ang topic tungkol sa fiancee niya noong bata pa siya dahil ramdam ko na kahit papaano ay nasasaktan parin siya sa tuwing binabanggit niya ang mga bagay na related sa kanila.

Hindi ko alam pero parang may kumurot sa puso ko a tuwing iniisip ko kung gaano niya ibinigay ang sarili niya sa kababata niya na minahal niya talaga ng lubos magpahanggang ngayon. there's a part of me that is jealous na sana lahat ng lalaki ay gaya niya na handang gawin ang lahat para sa taong mahal niya.

"After mo kumain mag bihis ka pupunta tayo sa mall" nagtataka ko siyang tiningnan dahil bigla nalang siyang nagsalita, "anong gagawin natin sa mall?" takang tanong ko pero tinapunan niya lang ako ng Common sense na tingin.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa Mall?" napanguso nalang ako sa sinabi niya at nagpatuloy na sa pagkain, ayoko na magsalita pa dahil mag kakabarahan lang kami hanggang mamaya kapag sumagot pa ako kaya tinapos ko na ang kinakain ko.

"Ako na ang naghuhugas ng kinainan natin lagay mo nalang sa Ref yung mga natira" wika niya ng sabay kaming matapos na agad ko namang sinunod, ng mai lagay ko na sa ref lahat ng natirang ulam ay iniwan ko na siya at pumasok sa kwarto ko para mag palit ng damit.

I wore a simple red of shoulder dress na hanggang tuhod at binagayan ng ankle strap stilettos , nilugay ko lang ang buhok kong medjo naging wavey dahil sa pagkakatali kanina, agad ko naman kinuha ang purse ko at lumabas na.

Legendary AssassinWhere stories live. Discover now