TRECE

475 12 1
                                    

Chapter Thirteen: Guilt

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay ng gabing iyon basta nagising nalang ako sa loob ng kuwarto ko dahil sa sinag ng araw. Gulat na gulat sila Neon, Jullius, at Gray sa naubatan nila sa bahay kong magulo, nag tataka rin sila ng makitang mugto ang mata ko at may kulay pulang marka sa leeg ko.

Ilang beses nila ako tinanong nung araw na iyon pero hindi ko sila sinagot dahil wala akong gana, pinatahi ko kay Neon ang balikat kong tinahi na ni Kim na bumuka ulit dahil sa puwersa ni Ace sa akin.

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng gabing iyon pero hindi ko parin sila pinapansin, sinubukan na akong lapitan ni Theo at ni Zia pero hindi ko sila pinansin, nag backout na ako sa performance na gagawin namin at nag patulong kay Neon sa bagay na iyon.

Medyo masakit kasi ang lalamunan ko kapag nagsasalita, in-excuse din ako sa mga afternoon classes ko kapag Wednesday hanggang Friday dahil sa tahi ko sa may balikat.

Silang tatlo narin ang nag linis ng Bahay ko para makatira na ulit ako doon, hindi na rin sila nangulit sa pagtatanong dahil alam nilang hindi ko din naman sila sasagutin.

Ilang araw na ring hinahanap ni Jullius si Charlotte pero nagkibit balikat nalang ako, miss niya na si Charlotte at ganun din naman ako, kahit ba naman kasi ay ilang araw ko lang iyon kasama ay natutuwa ako sa kanya lalo na kapag kinekwentuhan niya ako at kumakanta siya.

I'm seeing myself in her, we just have different experience in life but its both cruel I guess?, wala naman sigurong nabubuhay na hindi nakaranas ng sakit at paghihirap diba? Ang pinag kaiba ngalang ng mga tao ay kung kailan nila ito nararanasan at mararanasan. Ang iba ay sa pagkabata at ang iba naman ay habang tumatanda.

"Allison can you get our masterlist? Its inside our classroom" wika ng babae kong classmate saakin habang nakangiti. Walang gana akong tumayo at tumungo sa classroom namin.

I don't know kung saan kailangan ang Masterlist ng section namin pero mas ok na siguro ang kunin iyon kesa tulala ako sa kanila habang nanonood. Nababagot na rin kasi ako kaso wala akong magawa, gusto ko mang umalis ng Academy ay hindi ko magawa.

Pumasok ako ng classroom namin at hinanap ang masterlist, natagpuan ko iyon sa lamesa sa harapan at akmang lalabas na ng may mga babaeng nakaharang sa pinto.

"Excuse me" mahinang wika ko at akmang lalagpasan ako ng humarang mismo sila sa harapan ko kaya walang gana ko silang tiningnan.

Tinulak ako ng babaeng nasa harapan ko at inutusan ang mga kasamahan niyang babae na isarado ang mga pinto at bintana na agad naman ng mga itong sinunod.

"What do you want?" Walang gana kong tano sa kanila dahil wala ako sa mood na maghanap ng gulo o kung ano man dahil masakit ang katawan ko.

"Nothing" nakangising wika niya at hinawakan ako sa panga ng pagkadiin diin dahilan para bumaon ang mahaba niyang kuko sa pisngi ko kaya napapikit ako

"I just want to ruin your face! Ang kapal ng mukha mo alam mo ba yon?!" Naiinis na wika niya sa akin at mas hinigpitan pa ang hawak sa panga ko dahilan para mapahawak ako sa kamay niya at pinipilit pilipitin iyon para mabitawan niya ako pero nahawakan na ako ng mga alalay niya sa magkabilang braso.

"Ano bang kailangan nyo sakin? Wala naman akong ginagawa sainyo?" Naiinis na wika ko sa kanya, ni hindi ko nga sila kilala kaya anong rason nila para harangin ako.

"Naiinis kami sayo! Malandi ka masyado!" Sigaw ng isa sa kanila at naramdaman kong may sumipa sa akin sa likod dahilan para mapaluhod ako sa sahig.

"Kailan pa ako naging malandi?!" Naiinis na wika ko sa kanila at pilit na kumawala sa pagkakahawak nila sa braso ko pero hindi ko nagawa dahil nababanat ang balikat ko at malapit lang duon ang tinahi ni Neon.

Legendary AssassinWhere stories live. Discover now