DIEZ

523 16 1
                                    

Chapter Ten: Suddenly a Parent- Group Baby-sitting


Kasalukuyan ako ngayong nasa classroom at nakatingin lang sa mga kaklase kong nag iingay, wala pa kasi ang guro namin para sa araw na ito dahil pag uusapan na daw ang mangyayaring Anniversary sa susunod na linggo at busy na ang lahat.

Nag pakawala ako ng buntong hininga at tumingin sa labas ng bintana at tanaw ang malawak na field ng school kung saan may mga nag tatayo ng nga boots nila na gagamitin.

Hindi parin ako mapakali nitong mga nakaraang araw, ng makauwi kasi ako sa bahay ay nandun parin ang tatlo at nag aalala sila sakin kung ano ang nangyari at mas ikinagulat nila na may bitbit akong bata.

Naalala ko pa kung paano ako pag pyestahan ng tatlo na 'yon dahil umalis daw ako ng umaga ay mag isa lang ako at babalik ako ng may dala ng bata.

~•~•~•~

"Queen saan kaba nanggaling?" Nag aalalang tanong sa akin ni Neon pero hindi ko siya pinansin at diretsong nagtungo sa kwarto ko at inilapag doon si Charlotte na mahimbing ang tulog.

"Queen nag aalala kami sayo? Saan kaba nanggaling?" Pagtanong ni Jullius na nakasunod pala sila sakin, sinenyasan ko silang tumahimik at lumabas kami ng kwarto ko.

"Queen ano ba nangyari sino ang batang yun?" Tanong naman ni Gray, napabuntong hininga nalang ako at hinarap sila.

"Pwede ba isa isa lang ang tanong? Kumalma kayo ok?" Nanghihinang wika ko sa kanila.

"Queen naman kasi kanina kapa namin hinahanap pero hindi ka namin makita tapos uuwi ka ng gabi may bitbit na bata?" Hindi makapaniwalang wika sa akin ni Jullius kaya natawa ako.

"Chill ok? Nag ikot ikot lang ako and something came up, nasa bahay ako ni Ace kaya hindi niyo ako nahanap, nakatulog din kasi ako sa pagod" pagsisinungaling ko sa kanila maliban sa part na nasa bahay ako ni Ace.

Nanlalaki ang mata nila at hindi sila makapaniwalang nakatingin sakin kaya tinaas ko ang kilay ko sa kanila.

"Ace? You mean yung SSC commander?" Pagkukumpirma ni Neon na tinanguan ko, sabay sabay silang napasinghap na ikinataka ko. Nagulat nalang ako ng sabay sabay nila akong iikot at tiningnan ang buong pagkatao ko.

"Wala bang masakit sayo Queen? Bakit ba kasi hindi mo sinabi sa aming may gagawin pala kayo sana hindi kami nag aalala" wika ni Gray na ikina kunot ng noo ko.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya pero hindi niya iyon pinansin at nagtanong ulit.

"Tell me Queen masarap ba? Kailan pa bayan? Ang bilis mo naman kasi dumamoves! Hindi naman inexpect na may anak na pala kayo" binatukan ko siya ng pag kalakas lakas dahil sa kalokohang sinasabi niya.

"Magtigil nga kayo! Anong masarap? Baliw na ba kayo? At sinong anak? Si Charlotte? Jusme hindi ko anak yun!" Protesta ko sa kanila at sabay sabay silang nag tawanan.

"Joke lang yun Queen alam naman namin, ano ba kasi ang nangyari at bakit magkasama kayo ni Commander?" Tanong ni Jullius kaya wala akong choice kundi mag kwento.

~•~•~•~

Hindi ko sinabi sa kanila na niligtas ko si Charlotte, ang sinabi ko nawawala siya at tinulungan ko, sakto naman na nakita kami ni Ace kaya tinulungan niya ako kaya kami mag kasama.

Halata namang hindi sila naniniwala sa kinuwento ko pero hindi na rin sila nag tanong at tumango nalang sakin.

Binuhos ko ang buong linggong maghapon na kasama silang tatlo at si Charlotte, sinabihan ko si Neon na alamin kung kaninong kapatid o anak si Charlotte na sinunod naman niya, sinabihan ko rin siyang huwag ipaalam sa faculty members at mag antay nalang kung may mag report ng nawawalang bata.

Legendary AssassinWhere stories live. Discover now