CATORCE

492 15 0
                                    

Chapter Fourteen: Asking for Forgiveness

Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto, hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito, saan ko ba ito nakita? Inilibot ko ang paningin ko sa paligid na puro mga paintings ang nakalagay.

Tumayo na ako at lumabas, pamilyar sakin ang lugar na ito pero hindi ko alam kung saan ko nakita pero bakit nga ba ako nandito? Ang alam ko nasa school ako at―

Napatingin ako sa damit na suot ko at kinapa ang sarili kong katawan, walang masakit sa akin at nakasuot ako ng bestida na puro bulaklak at doll shoes na nagpataas ng kilay ko. I don't like flats kaya puro takong ang mga sapatos ko and I don't remember borrowing something like this.

"Zachy! Rinig kong wika ng isang bata kaya napatakbo ako sa may Veranda ng bahay at nakita ang dalawang batang nasa tabi ng kalsada.

"Look Zachy kuya Ton-ton brought me this, he said its my lucky charm and it will protect me" nakangising wika niya bata habang pinapakita ang isang kulay pulang kwintas.

"Protect you? Does it have some kind of magic?" Taas kilay ng batang lalaki sa batang babae na nagpangiti sakin, mukha kasi siyang nag seselos sa sinabi nung bata.

"No!" Umiiling na wika nito sa batang lalaki, "magic don't exist Zachy! " Natatawang dagdag pa ng batang babae na nagpa nguso sa batang lalaki.

"So how can that thing protect you if it doesn't even have some magic?" Tanong ng batang lalaki pero nag kibit lang ang batang babae.

"I don't know, but kuya Ton-ton said I should keep it incase of emergency" nakangusong wika ng batang babae at sinuot na ang kwintas.

"Ok whatever you say, but I will protect you no matter what and it's a promise ok?" Wika ng bata at nag pinky promise silang dalawa, nginitian niya ang batang babae at hinalikan sa tungki ng ilong na nag-pangiwi sa akin.

Ano ba naman kasi ang dalawang yun, kay bata bata ang may lovelife na agad, though bagay sila kasi gwapo naman yung bata, hindi ko nga lang alam pero parang pamilyar sakin ang batang lalaki na iyon. Parang nakita ko na siya somewhere but I can't remember.

Akamang aatras sana ako ng biglang umikot ang paningin ko kaya mariin akong pumikit, ng imulat ko ang mga mata ko ay isang puting kisame ang bumungad sa akin.

Napabangon ako sa aking hinigigaan at napagtantong nasa isang kwarto akong hindi pamilyar sa akin, may nakakabit na IV sa kamay ko at malinis at bago na ang damit na suot ko.

"You're awake, I'm glad!" Wika ng bagong pasok na si Kim na nagpataas ako ng kilay. Kanina lang ay nasa isang bahay ako, don't tell me panaginip yon?

"Where am I?" Takang tanong ko sa kanya ng umupo siya sa tabi ko. "SSC main headquarters" yun lang ang sinabi niya at lumabas na ulit.

Tinanggal ko ang IV na nakasaksak sa akin at sinubukang tumayo, kinapa ko ang sugat ko sa aking bakikat at nakitang maayos na ulit ang pagkakatahi niyon at medyo nag-hihilom na.

"Where are you going?" Wika ng isang pamilyar na boses sa akin kaya napalingon ako kay Ace bitbit si Charlotte.

"Mommy!" Wika ni Charlotte at bumaba sa pag kakabihat ni Ace sa kanya at patalon akong niyakap na agad namang sinaway ni Ace.

"Remember what I told you!" Mariing wika nito sa bata pero hindi siya pinansin nito at inirapan nalang, nakangiting yumakap sakin si Charlotte kaya bumalik ako ng upo sa kama at kinandong siya.

"Mommy how are you?" Nag Aalalang tanong ni Charlotte na nag-pangiti sakin, this kid is really adorable, I wonder kung nasaan na ang tunay niyang mommy and daddy.

Legendary AssassinWhere stories live. Discover now