SIETE

524 16 0
                                    

Chapter Seven: Supreme Student Council

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kotse na ibigay sa akin ni Theo, pinuntahan ko kasi kahapon yung parking lot ng Academy para hanapin yung kotseng sinasabi niya.

Its not that na gusto ko kuhanin, gusto ko lang malaman kung ano yun dahil halos maglupasay na siya para lang ipanalo ko yung match na activity namin.

Pero ang hindi ko naman inaakala na luluwa pala ang mata ko dahil sa lintek na kotseng yun, its a freaking Jaguar XF P300 na ni release kailan lang.

Hindi ko tuloy alam kung saan ko hahanapin yang si Theo na yun para maibalik sa kanya yung kotse, alam ko namang mayayaman at mga Spoiled brat ang nandito, hindi ko naman inexpect na sagad pala sa buto ang mga estudyanteng yun dito.

Napabuntong hininga nalang ako dahil kanina ko pa naikot ang buong Academy at ni Anino ni Theo pati ng tropa nya ay hindi ko nakita, feeling ko tuloy pinagtataguan ako ng mga iyon.

Hindi rin naman kasi sila um-attend ng klase namin kaninang umaga, hindi ko rin kasama ang mga baliw dahil may ginagawa sila, si Neon na busy sa SC dahil malapit na daw ang Festival ng Academy at si Gray na kahapon pa nawawala si Jullius naman kasama ko kanina mag lunch pero nag paalam na aalis din agad.

Wala rin namang kwenta kausap si Jullius kanina dahil puro kalokohan lang ang lumalabas sa bibig, keso 'bakit ayaw ko tanggapin yung kotse' 'ayaw ko daw ba noon', hindi daw ba ako naniniwala sa kasabihang "bawal tumanggi sa grasya", kung ayaw ko daw sa kanya ko nalang ibigay at kung ano ano pang kalokohan niya sa mundo.

Wala na akong magawa kaya naisipan kong umuwi sa tinutuluyan kong bahay. Babalik nalang muna ako sa Bahay, wala na akong gana pumasok sa ngayon dahil na babagot dahil boring ang mga klase kanina at hindi ko mahanap si Theo, wala rin akong kasama mag lunch kaya wala na akong gana para sa ngayong maghapon.

Nilakad ko nalang ang daan papuntang Sapphire Homes dahil 30 mins lang na lakaran yun, hindi naman ako makakasakay ng kotse dahil makitid ang daanan at malayo ang parking lot sa kung nasaan man ako ngayon.

Ilang minutong lakaran ang ginawa ko bago makarating sa bahay na tinutuluyan ko dito sa Academy, pagod na umupo ako sa sofa at nilapag ang paper bag na dala ko dahil nandito ang pam palit ko sanang PE.

Nagpahinga lang ako saglit at nag tungo sa banyo para maglinis ng katawan, naligo ako at nag ayos ng sarili. Nagsuot lang ako ng simple checkered knee length western dress na medyo hapit sa bewang ko at nag lagay ng light make up.

Gagala muna ako ngayong hapon dahil wala ako sa mood mag klase, wala akong pake kung kaka transfer ko lang at aabsent agad ako. Kailangan ko lang muna mag libang ng sarili, mamimili narin ako ng mga gamit at pamalit sa nilutong pagkain kahapon ni Neon.

Bitbit ang silver sling bag ko na naglalaman ng iba't-ibang credit cards ng ibat ibang banko ng ibat ibang bansa ay nagtungo na ako sa parking lot ng Academy, may shortcut kasi na daanan dito sa bahay papuntang Parking lot para mapadali.

Pupunta ako sa lugar kung saan ko pinarada ang kotse ko ng may mahagip ang mata kong grupo ng kababaihan at kalalakihan sa hindi kalayuang parte ng parking lot.

Nakita ko agad si Theo na nakikipag tawanan kasama ang grupo niya kaya tinahak ko ang daan kung nasaan sila, Buti nalang at dala ko yung susi niya sa bag ko.

"Theo!" Sigaw ko sa kanya dahilan para mabaling ang tingin ng mga kasama niya sa akin, tinakbo ko na ang pagitan namin kahit na naka takong pa ako.

"Partner? Ano ginagawa mo dito?" Hindi ko pinansin ang tanong niya sa akin at binato sa kanya ang susi ng kotse niya, buti nalang at nasalo niya iyon dahil kung hindi sa mukha niya tatama.

Legendary AssassinWhere stories live. Discover now