Epilogue

84.5K 3.5K 6.1K
                                    

This is ARVIB's Epilogue in Mr. Crab's P.O.V! Thank you so much for flying with us all the way from Lost Island, Italy and finally to Brooklyn! Sebastian's story isn't planned in the first place, I am not planning writing a story for him but luckily, my fellow amazing co-authors invited me to join and the first person that comes in mind are Sebastian and Gabriela (na may exposure as cousin ni G sa SOTS).

It took a while for me to continue writing this one since naghahanap ako ng motivation and luckily! Posted na ang last part ng book. I decided to also include the untold part for Lost Island's tale which is supposedly to be revealed in the book version in the near future and I thought that part would suit Seb and Gab-Gab. Sana nag-enjoy kayo sa kanila! Please try and read my amazing Brooklyn Love Affair's co-author's books! May ibang story na ring natapos sa series and you can try reading their other stories. You can check the first part of this book or my reading list to check their works!

Thank you for giving ARVIB a shot! I am aware there is a lot to improve and thank you for believing in me and my characters. I hope they made you laugh and learn something you could carry in your hearts. I mahal you to the bottom of Bikini Bottom!

--

Epilogue

"Sandali lang ang buko, Sebastian," ani Ate Cora kaya tumango ako at naupo sa upuan doon sa tapat ng tindahan niya.

Inilibot ko ang tingin, pasipol-sipol pa nang maramdaman ang tingin sa akin mula sa harapan. Bumaling ako roon, nagulat at napahawak pa sa dibdib.

"Madam Yuka naman!" suminghap ako, "kakagulat ka naman! Akala ko aswang!"

Tumawa siya bago naupo sa tabi ko at ngumiti, "nagliliwanag ka, ah? May love life ka na, Baste?"

"Love life?" tumawa ako at umiling, "kilabutan ka nga, Madam! Nagliliwanag ako kasi gwapo, 'yon lang. Nakakapangit ang magkajowa."

"Hmm... gusto mo hulaan kita?" biglang tanong niya, "pakiramdam ko kasi may darating."

Doon na ako naging interesado, "ay, weh? Ano? Pera? Sige nga, Madam! Baka maging milyonaryo na ko nito. Tignan mo dali, alis na alis na ako sa barkong 'to, inaalila ako!"

"Hindi natin malalaman kung hindi ko babasahin ang palad mo, hijo," aniya.

"Weh," bumusangot na ako, "mamaya n'yan takutin mo 'ko, eh? Naalala ko nga 'yong ginawa mo kay terrorista, oh? Baka mamaya..."

"Binabasa ko lang ang nakikita ko," tumawa siya, "pero sige, iiwasan ko 'yong nakakatakot kung mayro'n man. May nagsasabi kasi sa 'kin, nakikita ko may darating."

Inilahad ko ang palad ko. Kinuha iyon ni Madam para basahin.

"Asul ang nakikita," biglang sinabi niya.

"Ah! One thousand? Mga ilan?" ngumisi ako pero 'di niya ako sinagot.

"Pulang hiblang sumasayaw sa hangin," ulit niya at saglit na natigilan pero maliit na ngumiti. "Bakit ko ba madalas na nakakalimutang may iba pa bukod doon sa prinsesa,"

"Huh?" kumunot ang noo ko pero inalis niya ang kamay sa palad ko at tumingin sa malayo. "Ay, wow, Madam. Ganda kausap, ah? Thanks."

Tumawa siya sabay sulyap sa akin, "Baste, sa isang kwento, ang mga pangunahing bida lang ba ang may istorya?"

"Hindi," sabat ko, "s'yempre may side character, bakit?"

"May naiwan pa pala, akala ko maisasarado na pero habang 'di natatapos mauulit lang kaya mas mabuti kung masimulan na..." aniya.

"Huh?" napakamot ako ng kilay, "Madam, seryoso, anong nahithit mo?"

"May darating, Sebastian," aniya.

A Royal Visit in BrooklynUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum