12

43 6 0
                                    

KYLIE

Lock ourselves in the room? Ano bang ibig niyang sabihin doʼn?

Hanggang ngayon, naglo-loading pa rin ang utak ko. Medyo inaantok na rin ako dahil anong oras na rin plus the fact na kahit natapos na namin ang laro, hindi pa rin ito tumitigil. Parang mas lalo lang lumala ang lahat.

“Guys, kailangan nating ihiwalay ang mga sarili natin sa papatay saʼtin at sa mga papatayin natin.” muling pagpapaliwanag ni Roselyn.

Naguguluhan ang lahat base sa mga tingin na ibinibigay nila. Anong oras na rin kasi. Sigurado akong hindi na rin sila nakakapag-isip ng maayos.

Mukhang drain na drain na rin silang lahat.

“I agree with your plan. What about you, guys?” tanong saʼmin ni Jhamil.

Nagsitanguan na lang kami maging si Exequel. Sa nangyayari ngayon, wala ng oras para magtalo pa. Masyado na ring maraming nangyari ngayong gabi.

Pinalapit niya kami isa-isa at tinanong ang number at pangalan na nabunot namin. Sa totoo lang, noʼng ipinagpatuloy namin ang laro, masaya ako nang malaman kong si Jin ang nakabunot saʼkin. Kaya lang, nawala ang sayang 'yon ng pumasok sa isip ko na ako ang papatayin niya.

Napailing na lang ako dahil kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ko.

Pagkatapos niyang makakuha ng information namin, nag-usap sila ni Jhamil kung saang kwarto kami mapupunta.

Napunta sa unang kwarto, si Jamesric at Exequel. Silang dalawa ang magsasama.

Sa pangalawang kwarto naman ako napunta. Si Vincent, Conrad, at si Pat ang makakasama ko.

Sa mini-library naman napunta sina Roselyn, Jhamil, at si Jin.

Maiiwan sa sala sina Dan, Jess, Japhet, Toni, at Sheila.

Iyon ang naisip naming temporary solution. Sa totoo lang, hindi rin daw sigurado si Jhamil kung gagana 'to pero ang importante, masubukan namin.

Tama naman si Roselyn na walang mangyayari kung tutunganga lang kami.

“Okay ka lang? Youʼre silent the whole time.” natigilan ako sa pag-iisip ng lapitan ako ni Pat.

Binigyan ko siya ng mapangdudang tingin.

Nakapagtataka naman na bigla niya akong kinausap ganoʼng hindi na kami close na gaya ng dati.

“Everything will gonna be okay, Kylie. You donʼt have to worry.” muling sabi ni Pat kaya naman napakunot ang noo ko.

“Ano bang kailangan mo? Bakit mo ba ako kinakausap?” pagsusungit ko.

Mukhang nagulat siya ng biglang tumaas ang tono ng pananalita ko pero kahit ganoʼn ang ipinakita ko, ngumiti pa rin siya.

“Iʼm just worried.” tipid niyang sagot.

Napangiti ako ng mapait.

“Kailan pa? Kailan ka pa nagkaroon ng pag-aalala saʼkin?”

Bumuntong-hininga siya saka ako muling nginitian.

“Mali ang tanong mo. Unang-una, hindi ako nawalan ng pag-aalala saʼyo. Hindi ako nawalan ng pakialam sa section natin. I just set aside it.” sagot niya saka siya naupo sa isang maliit na couch na andoʼn sa may gilid.

OvernightWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu