01

92 8 0
                                    

KYLIE

Napakapit na lang ako sa braso ni Roselyn at Sheila matapos kong makita ang rest house ni Rosemarie.

Literal na nakakatakot talaga ang itsura nito. Parang hindi na pwedeng tirhan ng tao.

Masasabi kong totoo ang naging description ko dahil kahit ang dalawang 'to, hindi rin kaagad nakapag-react.

“So, what can you say, guys?” tanong ni Rosemarie saka kami nilingon.

Nagsalubong ang kilay niya ng makita kaming lahat na nakatulala.

“Whatʼs with that look? Hindi niyo man lang ba na-appreciate ang ganda ng rest house ko?” tila proud niya pang tanong.

Tumawa naman si Jamesric kaya nabaling ang tingin naming lahat sa kanya.

“Huwag kang mag-alala, Rosemarie. Na-appreciate namin. Sa sobrang ganda nga ng rest house niyo, parang ayaw na naming pumasok.” pang-aasar niya naman.

Kaagad siyang sinamaan ng tingin ni Rosemarie.

“Kayo na ba ang mga bisita ni Maʼam?” halos magsigawan kami ng may narinig kaming nagsalita.

Nabigla kaming lahat dahil medyo nakakatakot ang boses, pero tinawanan lang kami ni Rosemarie.

Lumapit siya doon sa lalaki at kaagad itong ipinakilala saʼmin.

“Huwag kayong matakot, okay? Itʼs just Mang Pidong. Siya ang caretaker ng rest house na 'to.” paliwanag niya.

Kinilatis ko ang lalaki at tingin ko ay nasa mid-40ʼs na ito.

Seryoso lang ang mukha niyang nakatingin sa amin. The way na tingnan niya kami ay talagang nakakapanindig-balahibo.

“Nagagalak po akong makilala kayo. Halina na po kayo sa loob at ng malibot na natin ang buong mansyon.” sabi nito saka siya naunang maglakad.

Nagkatinginan pa kami ni Roselyn at Sheila bago tuluyang pumasok.

Halos manginig ang tuhod ko ng magsimula kaming baybayin ang napakahabang hallway ng mansyon.

Nakakatakot sa labas pero mas nakakatakot rito.

Masyadong dim ang ilaw. Walang ibang colors na makikita sa loob, itim at pula lang. Ang interior design ng bahay, parang tirahan ng bampira sa mga movies. Ang weird din ng mga paintings. Walang mga figurine na makikita pero manika na nakadisplay, marami.

Wala akong ibang naramdaman habang naglilibot kami, tanging kilabot lang.

“Huwag kayong mahiya, guys! If you want to ask me something, feel free, ha? I can answer it without hesitations.” sabi niya habang busy kaming lahat sa pagtingin ng mga manikang nakadisplay.

“Can I ask?” nagsalita si Japhet, “Bakit ang dami niyong manika rito?”

“Well, uh, Mom likes to collect dolls. It is her hobby.” sagot niya naman.

Tinanguan lang siya ni Japhet saka kami nagpatuloy sa second floor.

May tatlong kwarto rito. Ang dalawang kwarto ay tulugan. Ang isang kwarto ay mini-library naman.

Mukhang hindi na nagagamit ang mga libro rito. Masyado ng maalikabok. Mga stocks na karamihan.

“Kayong mga book lovers diyan, pwede kayong magbasa-basa rito. You know, we have lots of books.” puno ng pagmamalaki ang tono ng pagsasalita ni Rosemarie, “Ang hilig kasi nina Mom and Dad na mangolekta. Since they are nasa States naman na, I decided to make it a mini-library na lang.”

OvernightWhere stories live. Discover now