05

43 6 0
                                    

KYLIE

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin ng makabalik kami sa sala.

Wala ni isa ang gustong magsalita.

Kahit ang mga ginagawa namin, hindi na namin naisipan pang ipagpatuloy dahil sa karumal-dumal na nangyari.

Tanging lagaslas ng ulan at ang mga hikbi ni Ate Mayet ang naririnig ko.

“Those who wants to sleep can go into the second floor. Those who are hungry, please wait for food. Hindi pa tapos sina Rosemarie sa pagluluto.” mahinahong sabi ni Jhamil na para bang wala lang ang nangyari sa kanya.

Gusto ko siyang awayin. Gusto kong itanong sa kanya kung paano niya nagagawang maging kalmado sa kabila ng lahat.

Gusto kong isisi sa kanya ang pagkamatay ni Blaze pero wala ni isang boses ang nais kumawala sa bibig ko.

“Guys, please continue what youʼre doing.” muli niyang sambit.

Nagsimula namang bumalik sina Rosemarie sa pagluluto. Ang iba ay hindi gumalaw at nanatili lang na nakaupo.

May ibang umakyat. May iba naman na pinipilit pa ring humagilap ng signal kahit halata namang wala talaga dito ni katiting.

“So this is your plan as a Class President? Aakto na parang walang nangyari? Na parang wala tayong namatay na kaklase?” pagalit na sabi ni Ate Mayet saka ito lumapit sa kanya, “You know what? We really donʼt deserve to be entitled as the best section. Leader pa lang, worst na—”

Natigilan siya makita niyang nakayukom ang kamay ni Jhamil at aambahan siya ng suntok.

Akala ko matatakot siya pero nginisihan niya lang si Jhamil ng mapang-asar.

“Ano? Susuntukin mo ako kasi na-offend ka?” kampante niyang sabi saka hinawakan ang kamay nito, “Cʼmon, Jhamil. Hit me. Hit me para mapatunayan mo sa lahat na worst ka nga talagang leader.”

Parang nangliliyab ang mata ni Jhamil habang nakatingin kay Ate Mayet. Kahit nakasuot siya ng salamin, kitang-kita ko pa rin ang mga mata niya. Parang mangangain.

“I wonʼt use my fist because I still respect you as a girl, Mayet.” ibinaba ni Jhamil ang kamay niya pero hindi pa rin nawawala ang matalim niyang tingin dito.

Sa totoo lang, ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Jhamil. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko.

“Never underestimate me as a leader. Iʼm just doing this for our sake.” muli niyang sabi.

This time, hindi na sumagot si Ate Mayet sa kanya. Dahil sa kakaiyak niya, mukhang nawalan na rin siya ng gana na makipag-away.

“Hindi pa ba tayo aakyat, Kylie?” tanong ni Roselyn kaya naman nabaling ang tingin ko sa kanya.

Tipid lang akong umiling.

Pagkatapos ng nangyari, hindi ko alam kung kaya ko pa bang makatulog.

“Iniisip mo pa rin ba ang nangyari kay Blaze?” tanong niya saʼkin.

Tumango lang ako.

Gusto kong magkwento ng nararamdaman ko sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na ayaw tanggapin ng sistema ko ang nangyari. Gusto kong sabihin na nalulungkot ako pero puro tango at iling lang ang kaya kong gawin sa ngayon.

Ang hirap. Hanggang ngayon, naglo-loading pa rin ang utak ko.

“Alam ko naman na hindi madali ang nangyari, Kylie. Kapag pumapasok sa isip ko ang itsura ni Blaze, gusto kong maiyak pero kailangan nating magpakatatag.” hinawakan ako ni Roselyn sa balikat para i-comfort.

OvernightDär berättelser lever. Upptäck nu