20 : Run

24 3 0
                                    

KYLIE

Nang umilaw ang libro, nawala ang pansamantalang kasiyahan na naramdaman ko kanina habang kayakap ko si Jin. Parang bigla akong ginising mula sa magandang panaginip.

Habang patagal ng patagal na nasa ganitong sitwasyon kami, parang gusto ko na lang sumuko. Sa totoo nga lang, noʼng nagbalak si Vincent na patayin ako, tinanggap ko na 'yon, e. Iniisip kong katapusan ko na pero dumating na naman si Jin. Iniligtas niya ulit ako.

Sa pagliligtas niya saʼkin ng paulit-ulit, mas gusto kong mabuhay. Gusto ko pang tuparin ang mga pangarap ko. Gusto ko pang makasama si Jin, si Roselyn, si Agor, at si Vincent. Sabay kaming aalis dito at lalaban kami kahit lima na lang kaming natitira.

“Inaantok ako. Parang gusto kong matulog,” rinig kong sabi ni Roselyn at kasabay noon ang paghikab niya.

Balak niya sanang mahiga doon sa batuhan pero pinigilan siya ni Jin. Wala raw pwedeng matulog saʼmin dahil alam niyang anytime, matutunton kami ni Vincent dito. Pwedeng naghahanap lang raw ng tiyempo si Vincent para makuha si Roselyn.

“Hanggang kailan ba natin mararanasan 'to? Gusto ko ng umuwi saʼmin,” wala sa sarili kong sabi habang nakapangalumbaba.

Kanina pa ako nagugutom. Pagod na rin ako kakatakbo namin at nilalamig na ako. Inaantok na rin ako gaya ni Roselyn at wala ng ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang magpahinga.

Gustong-gusto ko ng ibagsak ang katawan ko sa malambot na kama.

“I know you are tired, Kylie, but I promise you, makakauwi tayo,” Jin assured me and I just smiled.

Gusto kong maniwala sa sinasabi niya pero sa nangyayari ngayon, mukhang imposible ng makauwi pa kami. Maaaring makauwi nga kami saʼmin pero wala ng buhay. Bangkay na lang namin ang sasalubungin nila.

“Inaantok na talaga ako—”

“Shush! Heʼs coming,” pagpigil ni Jin kay Roselyn nang makarinig kami ng yapak na parang papunta dito sa kweba.

Nagsisimula na naman akong kabahan. Nakita ko namang pinulot ni Jin ang kinakalawang na itak na napulot niya kanina sa gubat.

Papalapit ang mga hakbang na iyon kaya kabado kaming nagkatinginan sa isaʼt-isa.

“F ck, sabi na! Nandito na nga siya,” wala sa sariling wika ni Jin ng makita nga niyang pumasok si Vincent sa maliit na kweba.

Itinutok niya ang kinakalawang na itak kay Vincent. Medyo kinakabahan ako dahil nga hindi naman namin sigurado kung matalim pa ba ang itak na 'yan.

“Huwag na huwag kang lalapit saʼmin or else—Iʼll kill you,” banta ni Jin sa kanya.

Ngumiti lang si Vincent. Kahit pa nakita ko na ang mga kaklase namin na ngumiti ng ganoʼn, hindi pa rin nawawala saʼkin ang takot. Sa tuwing nakikita ko silang ngumingiti ng ganʼyan nagsisitaasan ang balahibo ko.

“Et non morieris,” wika ni Vincent sa nakakakilabot na boses. Parang nanggagaling ang boses na 'yon sa ilalim ng lupa.

Malalim ang boses niya.

“Guys, umalis na kayo,” hinatak kami ni Agor mula sa isang maliit na butas na nandoon malapit sa mga batuhan.

Hindi naman kasi kami makakadaan sa likod ni Vincent. Aabutan kami noʼn kapag doon kami sa mismong bunganga ng kweba lumabas.

“Sige na, umalis na kayo!” pamimilit niya saʼmin ni Roselyn pero umiiling lang kami.

“Agor!” napasigaw pa ako ng makita kong papalapit sa kanya si Vincent at akmang sasakalin siya nito.

OvernightOù les histoires vivent. Découvrez maintenant