09

53 7 0
                                    

KYLIE

“Oh, no.” rinig ko ang boses ni Rosemarie dahil nakatayo siya sa tabi ko.

Nararamdaman ko rin na nanginginig siya sa takot kaya naman sinubukan kong hawakan siya sa likod para pakalmahin.

Gusto ko ring isipin kung paano nakalabas sa bodega si Pat pero dahil nasaniban na siya, mukhang obvious naman na kung paano.

“Pat is number four, guys. Ako ang papatayin niya.” sabi ni Rosemarie kaya naman nabahala kaming lahat.

Ano ng gagawin namin ngayon?

“Dito ka lang sa likod namin.” agad siyang hinila ni Agor at dinala sa likod nito, “Hindi na dapat madagdagan pa ang mamamatay. Gagawin namin ang lahat para protektahan kayo.”

Nagsimulang magtabi-tabi ang mga lalaki para protektahan si Rosemarie. Nakatayo lang ako sa pwesto ko dahil hindi ko alam ang gagawin.

Huminga ako ng malalim at sinubukan kong humakbang palapit sa kanila. Bago pa ako makalapit, hinawakan na ako ni Jin sa braso. Kumunot naman ang noo ko sa ginawa niya.

“Donʼt. You better stay here. Kami na lang ang bahala kay Rosemarie.” pagpigil niya.

Tumango lang ako at pinagmasdan siyang maglakad papunta kina Agor. Naiwan naman kaming mga babae sa gilid.

Mas lalong dumoble ang kaba ko ng makita kong unti-unting lumapit si Pat kay Agor. Iginalaw niya ang ulo niya pakaliwa at kasabay noon ang pagtilapon niya.

“Agor!” nagsigawan sila Roselyn at tumakbo papunta sa kanya.

Sunod-sunod na tumilapon ang mga kaklase namin pero hindi ko magawang tumakbo palapit sa kanila.

Pakiramdam ko, walang lakas ang mga tuhod ko.

Nakatingin lang ako kay Pat na ngayon ay naglalakad na palapit kay Rosemarie.

Wala siyang ibang mukha na ipinapakita kundi ang pagngiti lang. Ngiti na parang sa dem nyo.

Ngiti na para bang sinasabi niyang mamamatay kaming lahat.

Anong gagawin ko?

“Rosemarie, what the f ck are you doing? Run!” halos pumutok ang ugat sa leeg ni Agor dahil sa sigaw pero nanatili lang na nakatayo si Rosemarie.

Dali-dali silang nagsitayuan at kahit halatang masakit ang mga katawan nila, nagawa pa rin nilang makatakbo.

Bago pa sila makatakbo papunta kay Rosemarie, naitusok na ni Pat ang kamay niya sa puso nito.

Dinukot niya ang puso ni Rosemarie at kitang kita namin kung paanong nabutas ang dibdib niya.

Bumulagta siya sa sahig. Nagsitakbuhan naman sila Agna habang patuloy pa ring tinatawag ang pangalan ni Rosemarie.

Puro sigaw at hikbi ang maririnig ngunit isa ako sa tahimik lang at parang wala ng boses na mailabas.

Nakita kong unti-unting naging normal ang mata ni Pat. Bumalik na rin sa normal ang mga kuko niya na daig pa sa kutsilyo ang talim.

OvernightWhere stories live. Discover now