14

33 4 0
                                    

KYLIE

“Bakit mo binaril si Jamesric?! Ano bang ginawa niya saʼyo?!” hindi ko na nakontrol ang sarili ko at nagsisisigaw ako.

Nagtinginan silang lahat saʼkin samantalang mukhang napikon naman si Exequel sa biglaan kong pagsigaw.

Wala akong pakialam kung barilin niya rin ako. Hindi na ako papayag na walang gawin. Hindi 'to pwede.

“Gusto mo bang patayin na rin kita, ha?” tinutukan niya ako ng baril at dahil sa gulat, bigla akong napapikit.

“Exequel, dude, calm down. Baka nakakalimutan mong babae 'yan?” rinig ko ang boses ni Conrad.

Napadilat naman ako na halos nanginginig na sa takot.

“Hindi, hayaan mo siya!” gatong ko.

“Kylie, what the f ck are you saying, stop it!” dinig ko ang pagpigil saʼkin ni Jin pero nilalamon ako ng galit.

Hindi makatarungan ang ginawa ni Exequel sa kanya.

“Bakit ko siya hahayaan, Jin? Pinatay niya ang kaibigan ko, pinatay niya si Jamesric!” nanggagalaiti ako sa galit.

Gusto ko siyang sugurin pero tanging hikbi at sigaw lang ang nagagawa ko.

“Hindi ka ba talaga titigil na babae ka, ha?” itututok niya na naman sana saʼkin ang baril pero hindi ko alam kung paanong naagaw 'yon ni Jhamil bigla.

“Exequel, stop it! Do you want everyone to die, huh? Do you really want it to happen?”

“Kung ganoʼn, patigilin niyo ang bunganga ng babaeng 'yan dahil inuubos niya ang pasensiya ko,” nakatingin saʼkin ng masama si Exequel.

Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang kanina pa ako naghihingalo dahil sa klase ng tingin niya saʼkin ngayon.

“Ako pa ngayon ang umuubos ng pasensiya mo ganoʼng ikaw nga 'tong pumatay ng kaklase natin?”

“So, what do you want me to do, Kylie, huh? Iligtas siya? Pot ngina mo pala, e! Mamamatay na nga tayoʼt lahat, gusto mong magpakabayani pa rin?” he sounded selfish dahil talagang selfish naman siya. Magmula pa kanina, wala siyang ibang iniisip kung hindi sarili niya. “Wala ng kaklase kaklase dito, Kylie. Sarili na muna natin isipin natin sa ngayon. Kaya kayo, kung gusto niyo pang mabuhay, kumuha na kayo ng armas niyo. Kanya-kanya na tayo rito!”

“Huwag mo silang igaya saʼyo dahil hindi sila selfish, Exequel!” nagsalita naman si Roselyn kaya naman mas lalong napantig ang tenga niya.

“Pati ba ikaw mangingialam din, ha? Akin ka, Roselyn! Inangkin kita kaya wala kang karapatan na kwestyunin ako—”

Lahat kami halos napanganga ng sampalin ni Roselyn si Exequel. Walang nakakibo at maging si Exequel, nabigla rin sa ginawa niya.

“Hindi mo ako pag-aari! Oo! Binayaran mo ako pero hindi ako saʼyo, naiintindihan mo?!” malalakas ang sigaw na 'yon ni Roselyn. Rinig na rinig rin ang paghikbi niya. “Hinayaan kong babuyin mo ako. Hinayaan kong ipahiya niyo ako ni Blaze sa harapan ng mga kaklase natin. Galit na galit ako sainyo pero ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na patayin kayo, o hayaan kayong mamatay. Kahit pa ang daming hindi pagkakasundo ng section na 'to, gusto ko pa rin kayong protektahan.”

OvernightWhere stories live. Discover now