Prologue

110 9 0
                                    

“Malapit na tayo sa kamatayan.” pagkatapos ng sinabing iyon ni Rosemarie ay nagsitahimikan ang mga kaklase niya na parang natakot.

Bigla naman siyang natawa sa reaksyon ng mga ito.

“Guys, Iʼm just kidding. Natakot naman kayo agad.” natatawang sabi nito at ipinagpatuloy na ang pagda-drive.

Sakay ng Toyota Grandia GL, nagtungo ang magkakaklase sa isang lumang mansyon.

Bawat isa ay nag-iingay. Ang iba naman ay nagrereklamo dahil sa sobrang sikip ng espasyo.

Palibahasaʼy labing-anim lamang ang kasya rito, ipinagpilitan pa talaga nilang kumasya ang dalawampuʼt dalawa.

“Pero seryoso, malapit na ba talaga tayo sa rest house niyo, Rosemarie?” tanong ni Pat na tila inip na inip na sa kinauupuan.

“Donʼt be too excited, Pat. Malapit na malapit na tayo.” ang tanging isinagot niya.

Mas lalo silang nag-ingay ngunit nanatili lamang na tahimik si Kylie.
Pilit niyang iniisip kung tama bang sumama siya sa Overnight nilang magkaklase, lalo pa at may paparating na bagyo kinabukasan.

“Basta, Rosemarie dapat maaga tayong makauwi lahat bukas. Hindi baʼt may paparating na bagyo?” tila nag-aalalang tanong ni Kylie at nagtawanan naman ang mga kaklase niya.

“You know what, Kylie? Stop being paranoid. Makakauwi tayo ng ligtas bukas.” pagsagot naman ni Mayet.

Hindi na lamang sumagot si Kylie at pilit na pinakalma ang sarili.

Mayamaya lamang ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon.

Kanya-kanya silang nagsibabaan ng van. Tumambad sa kanila ang mansyon na tila ba abandona na ang itsura.

Nakakatakot ang awra nito. Mas lalo kang makakaramdam ng takot dala ng lamig ng hangin.

“So, guys, welcome to our rest house!” excited na sabi ni Rosemarie at wala ni isa sa mga kaklase niya ang nakapagsalita.

“Is this really your rest house?” nagdududang tanong naman ni Mayet, “Itʼs creepy.”

OvernightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon