18

26 3 0
                                    

KYLIE

Gusto ko ng sumuko ng mga oras na 'yon. Handa na akong tanggapin ang kapalaran ko. Ready na sana ako sa kahihinatnan ko pero sa mga sinabi ni Jin, narealize ko bigla na gusto ko pang mabuhay.

Gusto kong lumaban ng kasama siya. Hindi man kami magtagumpay sa huli, ang importante ginawa namin ang lahat ng paraan na alam namin para makaligtas.

“Iʼm sorry to interrupt you, guys, pero si Sheila—” rinig kong sabi ni Agor kaya naman natigilan ako.

“Si Sheila? Bakit? Anong nangyari sa kanya?” nag-aalala kong tanong.

Hindi siya kumibo. Tinatanong ko pa siya ulit pero wala siyang isinagot kaya naman nagmamadali akong tumakbo pabalik sa nasiraang van. Naabutan ko doʼn si Pat at Conrad na itinatali si Sheila sa puno.

“Ano bang ginagawa niyo? Bakit niyo siya tinatali? Pakawalan niyo nga siya!” pag-uutos ko pero para pa rin silang walang narinig. Naririnig ko naman ang pag-saklolo ni Sheila kaya lalo lang akong nainis kila Pat. “Pat, ano ba? Bakit niyo ba siya itinatali? Naririnig niyo ba ako?”

“Sheʼs dangerous, Kylie,” si Vincent ang sumagot sa tanong ko.

Dangerous?

“Ano bang pinagsasabi mo? Dangerous? Bakit, inaano ba kayo ni Sheila?” nanggagalaiti kong tanong. Mas lalo lang lumala ang inis ko ng makita ko si Roselyn na walang kibo sa gilid. Pinagmamasdan niya lang sina Pat at Conrad na itali si Sheila. “Roselyn, wala ka man lang bang gagawin para sa kaibigan natin?”

“Kylie,” sagot niya.

“Ano? Tinatanong kita ng maayos!” pasigaw kong sabi. Naiinis na ako dahil umalis lang naman ako saglit tapos pagbalik ko, ganʼto na ang nangyari.

“Hindi na siya si Sheila,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Roselyn.

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Muli akong napalingon kay Sheila na ngayon ay nakagapos sa puno. Nakayuko lang siya.

“Sheila,” pagtawag ko sa kanya pero hindi siya nag-angat ng tingin.

Hindi 'to maaari. Ang ibig sabihin nito, siya na ang susunod.

“Ako ang papatayin niya,” rinig kong sabi ni Jin.

Napailing ako. Ayokong maniwala pero biglang nag-angat ng tingin si Sheila. Nakita kong nakangiti siya sa amin at itim na itim ang mata niya.

“Hindi. Hindi 'to pwedeng mangyari,” kabadong turan ko habang pinagmamasdan si Sheila na unti-unting tanggalin ang taling nakagapos sa kanya.

Biglang tumalim ang kuko niya kaya nagawa niyang pakawalan ang sarili ng walang kahirap-hirap.

Para akong naestatwa mula sa kinatatayuan ko. Ngayong nakikita ko si Sheila na ganʼyan, parang gusto ko na lang sumuko.

Ang kaibigan ko.

“Ano pa bang ginagawa niyo? Tumakas na kayo!” sigaw sa amin ni Pat.

Nagsitakbuhan sila Vincent samantalang nanatili naman akong nakatayo. Nakita ko si Sheila na naglalakad na papalapit sa direksyon namin.

“Kylie, letʼs go!” hinila ni Jin ang braso ko kaya bigla akong napatakbo.

Umuulan pa rin ng walang tigil. Nilalamig na ako at nakakaramdam na ako ng gutom. Gusto ko ng magpahinga dahil pakiramdam ko, ano mang oras ay babagsak na ang katawan ko.

Ibinaling ko ang tingin kay Jin. Ramdam kong nanghihina na rin siya pero pinipilit niya pa ring tumakbo.

“Hindi ka pa ba napapagod sa mga nangyayari, Jin?” tanong ko sa kalagitnaan ng pagtakbo namin.

OvernightWhere stories live. Discover now