06

39 6 0
                                    

KYLIE

“Walang alam? Nagpapatawa ka ba, Macky?” tanong ni Jin habang nakatingin ng masama sa kanya.

Gusto kong maniwala pero hindi ko alam kung may sense ba ang sinasabi niya. Sumasagi sa isip ko na pwede namang alibi niya lang 'yon para hindi namin siya sisihin sa pagkamatay ni Dalvyn.

“Jhamil.” pagtawag ni Macky sa kanya.

Naglakad siya palapit rito. Hinawakan naman ni Macky ang kamay niya na para bang humihingi ng tulong.

“Jhamil, tulungan mo ako. Wala talaga akong alam sa nangyari.” pagmamakaawa niya, “Maniwala ka saʼkin.”

Napatingin kaming apat kay Jhamil. Inaabangan namin ang sagot niya pero gaya ng dati, wala siyang kahit na anong reaksyon na ipinakita.

“You know what, Macky? I guess you should die.” diretsong sagot ni Jhamil.

Hindi siya nagpaligoy-ligoy. Iyon talaga ang sinagot niya na para bang ang liit na bagay lang noʼn.

“After what you did, I donʼt think you still deserve to live.” muli niyang sambit.

Wala pa rin siyang reaksyon na ipinapakita sa amin.

“Jhamil—” Macky seems speechless.

Kahit ako, hindi ko na rin alam. Hindi ko na rin alam kung ano bang dapat sabihin o ireact. Literal na blangko ang utak ko sa mga oras na 'to.

Para akong nanaginip. Wala akong kontrol.

“Jhamil, ano bang sinasabi mo?” rinig kong pagkontra ni Jin, “Yes, he killed Dalvyn but what youʼre suggesting is just too much.”

Hindi nagsalita si Jhamil. Na kay Macky pa rin ang tingin niya.

“Hindi ko babawiin ang sinabi ko.” tipid nitong sabi saka siya naglakad pabalik sa sala.

“Pot ngina, Jhamil!” inis siyang hinabol ni Jin.

Nagulat na lang kaming lahat ng bigla niyang sinuntok si Jhamil. Halatang malakas ang pagkakasuntok niya dahil natumba pa ito.

“Jhamil!” sigaw ni Vincent at Jamesric.

Dali-dali silang tumakbo palapit sa kanya para alalayan siyang tumayo.

“What the h ll is your problem?!” rinig kong sabi ni Jhamil habang nakahawak sa dumudugo niyang labi.

“May gana ka pa talagang magtanong.” gatong ni Jin.

Hindi nagsi-sink in sa mga utak ko ang naririnig ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nangyayari. Gusto kong magsalita pero—natutulala na lang ako.

“Jin, kalma.” saway naman ni Vincent, “Pwede mo naman siyang kausapin ng maayos. Hindi mo naman sana sinuntok kaagad.”

Galit niyang nilingon si Vincent.

“Baliw ka ba, Vincent? Sa tingin mo, matatauhan 'yan sa simpleng pagkausap lang?” singhal niya rito.

Tumawa naman bigla si Jhamil dahilan para mapatingin ang lahat sa kanya.

“Sana sinuntok mo rin si Macky para natauhan rin siya.” turan nito habang nakangisi pa rin, “Youʼre hating me as if Iʼm the villain here, Jin. Weʼre classmates. Why are you acting like that? Why is everyone turning their backs on me? Iʼm just doing this for us.”

“For us?” sarkastikong tanong ni Jin saka ito kinwelyuhan.

Gusto kong magsalita para pigilan sila pero bakit? Bakit wala ni isang salita lumalabas sa bibig ko?

OvernightWhere stories live. Discover now