19

24 3 0
                                    

JIN

Napapadako ang tingin ko kay Kylie as we walk on the road empty-handed. We were all cold and hungry. I know all of us are tired, mentally and physically. Most of us canʼt absorb that those killings literally happened.

Anim kaming naglalakad sa kawalan at hindi alam kung saan talaga kami papunta.

“Where are we actually going? Kanina pa tayo palakad-lakad dito,” naunang nagsalita si Conrad.

Nagkatinginan kaming lima and all of us just shrugged. We also donʼt know where are we heading. Ang alam lang namin, naglalakad kami.

“Kailangan lang nating maglakad. Baka may makasalubong tayo na pwedeng makatulong saʼtin. I know that all of you are tired but letʼs keep going,” sabi ni Agor saka kami naglakad.

Natigilan lang kami ulit ng marinig naming nagsalita si Kylie.

“Mabubuhay pa ba tayo?” she asked.

We are all confused because of her question but still, nagsitanguan pa rin kami. The fact that weʼre still alive after what happened is still a chance that we can make it.

“Alam kong nawawalan ka na ng pag-asa dahil sa mga nangyari, Kylie. Kahit ako rin, napapanghinaan na ng loob pero ayokong sumuko. Hindi ko bibiguin si Sheila. Sisiguraduhin kong mabubuhay tayo,” Roselyn stated.

Nag-aalangan man, tumango lang si Kylie saka ngumiti. I canʼt help but to smile also.

Ayoko ng nangyayari ngayon pero I realized na may advantage naman pala na nangyari 'to. Kung hindi pa kami umabot sa ganitong senaryo na buhay at kamatayan na ang nakasalalay, maybe until now, Iʼm still confused about my feelings for her. Baka hanggang ngayon hindi ko pa rin ma-re-realize sa sarili ko na mahal ko si Kylie.

Lalo pa noʼng nalaman namin na siya ang susi and we have to kill her, f ck! Doon ko na na-realize ang lahat. I donʼt want to lose her. I want her to stay by my side. I want to do everything to keep her safe.

Kung sakaling hindi man ako mabuhay, ang importante mabuhay si Kylie. I want her to stay alive.

“May dadaan man lang bang kotse dito? Saka anong oras na ba?” tanong saʼmin ni Vincent dahil wala pa ring tigil ang ulan.

Medyo humihina lang then later on, lalakas ulit. Hanggang umaga na yata ang ulan na 'to.

“I have no idea. Bakit? Gutom ka na ba?” pagbibiro ko.

Nagtawanan lang kaming anim habang naglalakad. Kahit hindi sumagot si Vincent, by the way he looks, alam kong gutom na siya at pagod. Hindi niya lang iniinda.

“Baka may madaanan tayong burger stand. Kain tayo, gutom na ako, e,” nagbiro din si Agor kaya para kaming tangang anim na tumatawa habang naglalakad.

Napansin kong medyo nahuhuli saʼmin si Kylie kaya I held her hand. Napangiti pa ako ng palihim ng makita kong nagulat pa siya dahil sa ginawa ko.

“Are you still not used to it?” tanong ko habang nakahawak sa kamay niya.

Kahit medyo madilim sa daan, alam kong namumula siya. Nakita ko ring iniwas niya ang tingin niya saʼkin na parang nahihiya.

OvernightWhere stories live. Discover now