16 : Sacrifice

34 4 0
                                    

ROSELYN

Para akong mabibingi sa sinabi ni Kylie. Hindi ko halos matanggap ang sinabi niya at parang gusto ko na lang takpan ang tenga ko.

She is a good friend.

Ang dami na naming pinagsamahan mula sa masasaya at malulungkot na alaala.

Sa tuwing mangangailangan ako ng tulong, palagi nila akong tinutulungan ni Sheila. Silang dalawa ang naging takbuhan ko, lalo na noʼng mga panahong wala na kaming makain dahil nga na-ospital si Mama.

Hiyang-hiya na ako noʼn sa kanila. Alam kong mayaman naman sila pareho kaya hindi big deal sa kanila na pahiramin ako, pero wala na akong mukhang maihaharap.

Ayoko ring iba ang isipin ng ibang tao lalo na sa aming tatlo, ako lang naman ang hindi sinuwerte sa pera. Iniisip ng mga nakakakita sa amin na peneperahan ko silang dalawa. Sobrang nahihiya na ako kaya naman kahit labag sa loob ko at dignidad, pumayag na lang ako sa gusto ni Exequel.

Matagal niya na akong niyayaya pero tumatanggi ako dahil hindi ako ganoʼng klase ng babae. Pinangalagaan ko ang dignidad ko. Poprotektahan ko ang sarili ko hanggaʼt kaya ko pero—kinain ko lang ang sinabi kong 'yon.

Wala na akong matatakbuhan ng mga oras na' yon, ang dami ng naipahiram sa akin nila Sheila at Kylie. Hindi na ako ma-ka-ka-advance sa mga Llagano dahil nakaapat na advance na ako. Totoo palang kapag kinakapos ka talaga sa pera, kahit ano na lang papatusin mo.

Para akong maiiyak sa tuwing naaalala ko ang pambababoy na ginawa niya saʼkin. Lalo akong nanliliit sa sarili ko. Pakiramdam ko ang dumi ko na. Sa kabila ng lahat, si Kylie at Sheila ang nagsalba sa akin sa madilim na lugar na kinabagsakan ko. Kahit duming-dumi na ang tingin ko sa sarili, tinanggap nila ako. Hindi nagbago ang tingin nila sa akin.

Ngayon naman, gusto kong iligtas si Kylie. Alam kong hindi madali para sa kanya ang mga nalaman niya. Ako naman ang mag-a-ahon sa kanya mula sa madilim na lugar kung nasaan siya ngayon.

Ako naman ngayon.

“Kylie, ano bang pinagsasabi mo? Paano mo naman nasabing ikaw ang susi?” tanong ko dahil marahil, naisip niya lang na siya ang susi dahil magulo ang isip niya.

“Youʼre just tired kaya mo 'yan nasasabi. You should rest and stop thinking about things, Kylie,” pag-alo naman ni Jin sa kanya. Yayakapin niya sana si Kylie pero bigla siyang tinulak nito.

“Jin, totoong ako ang susi!” sigaw niya rito.

Natahimik kaming lahat. Maging ako ay hindi alam kung anong dapat kong gawin.

“Kanina, noʼng tinawag natin 'yong—'yong kaluluwa ng unang naglaro ng Jabbo, bago niya sabihin ang sagot, sa akin siya lumingon. Hindi ako nasisiraan ng bait. Sa tingin niyo ba, gugustuhin kong maging susi ganoʼng iaalay niyo lang naman ako?” ramdam ko ang bigat sa bawat kataga niya.

“So you are the sacrifice,” nang madinig ang boses na nanggagaling sa may hagdan ay biglaang nagsitaasan ang balahibo ko.

Sa tuwing maririnig ko ang boses ni Exequel, gusto kong mawalan na lang ng pandinig. Ayokong marinig ni bulong niya. Ni ayaw kong makita siya dahil paulit-ulit kong naaalala ang bagay na ayoko ng alalahanin pa.

Kinasusuklaman ko siya!

“Come here, Kylie. Donʼt ever let go of my hand, you understand?” rinig kong bulong ni Jin sa kanya. Matatalim na tingin ang ibinigay niya kay Exequel samantalang ang g gong iyon ay nginisihan lamang siya.

“Hahayaan mo bang mamatay kaming lahat, Kylie? Kaya ba talaga ng konsensiya mo na mamatay kami isa-isa?”

Napatingin ako kay Kylie. Parang nadadala siya sa sinasabi ni Exequel kaya naman lumapit ako sa kanya.

OvernightWhere stories live. Discover now