11 : Puzzled

63 5 0
                                    

KYLIE

Tulala na naman si Jhamil.

Nagsisimula na naman akong mag-alala sa kanya dahil ilang minuto na siyang hindi kumikibo.

“Kylie, konti na lang talaga, iisipin ko ng may gusto ka sa kanya.” napalingon ako sa likod ng marinig ko si Sheila.

Napairap na lang ako.

Ganyan naman talaga siya saʼkin. Kahit pa kay Pat, Agor, Jhamil o kung sino pang lalaki sa section namin na kapag napansin niyang nag-aalala ako, iniisipan niya kaagad ng malisya.

Hindi ba pwedeng maging concern ng walang romantic feelings na involve?

Hindi ba pwedeng concern lang ako kay Jhamil bilang kaibigan?

Gusto ko 'yong sabihin sa kanya pero ayokong magpaliwanag. Bahala na siya sa gusto niyang isipin.

“Guys, please hear me out.” nabaling ang atensyon naming lahat ng magsalita si Agor, “Hindi makakatulong saʼtin kung uupo lang tayo rito at wala tayong gagawin. Kailangan na nating mag-evacuate.”

“Have you gone crazy?” pagkontra naman ni Exequel na talagang napatayo pa mula sa pagkakaupo.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ako magkakamali kapag sinabi kong magsasagutan na naman sila.

“Alam mo naman na ang lakas na ng bagyo sa labas. Masyadong madilim sa daan kung lilikas tayo. Itʼs almost nine oʼclock! Ano ba, Agor? Mag-isip ka naman!”

“Ikaw ang mag-isip, Exequel! Canʼt you see? This place is not safe for us anymore! We need to seek for help! Walang mangyayari kung tutunganga tayo at hihintayin na ang tulong ang mismong lumapit saʼtin!” gatong naman ni Agor.

Lalapit na sana si Exequel sa kanya pero kaagad siyang nahawakan ni Conrad sa braso.

“Tol, chill lang. Ano ba kayo? Huwag niyong pairalin ang init ng ulo. Kaya naman natin 'tong pag-usapan.”

Natigilan sila. Padabog na naupo si Exequel sa sofa pero hindi niya pa rin inaalis ang masama niyang tingin kay Agor.

Pasimple ko namang ibinaling ang tingin kay Jhamil at napansin kong nakikinig siya sa dalawa.

“Do you want to suggest something, Agor?” tanong niya rito.

Nanlaki ang mata ko pero napalitan iyon kaagad ng pagngiti. Akala ko kasi, hindi na naman siya magsasalita gaya kanina.

“You can tell us your suggestions. Gagawin natin kung iyon ang makabubuti sa grupo.” tipid niyang sagot.

Mas lumawak ang ngiti ko. Halata rin sa mukha ng mga kaklase namin ang gulat. Ito ang unang pagkakataon na inisip niya kung anong makabubuti saʼmin.

Tama nga ako. May pakialam saʼmin si Jhamil. Pinipilit niya lang ipakita na wala.

“Well, I suggest to get out of here. Now.” iyon lamang ang isinagot ni Agor sa kanya.

Lumingon naman siya rito ng walang kahit anong ipinapakitang rekasyon.

“How will we do that?” kalmado niyang tanong.

OvernightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon