13

44 6 0
                                    

AGOR

“Pre, ano na? Sigurado ka ba talagang malapit lang 'yon dito? Kanina pa tayo palakad-lakad,” rinig ko ang pagrereklamo ni Agna habang naglalakad kami sa gitna ng gubat.

Mamatay-matay na nga kami sa lamig. Tapos pambihira, wala man lang binigay na kapote saʼmin sina Kylie. Edi ngayon, para kaming basang sisiw. Pati 'tong payong namin, mukhang wala na ring itatagal dahil kanina pa bumabaligtad. Konti na lang rin, mauubos na ang baterya ng flashlight.

Kung minamalas ka nga naman talaga.

“Pre, kumusta na kaya ang mga kaklase natin doʼn? Tingin mo ba, okay naman sila? Naputol na ba talaga natin 'yong sumpa ng laro?” tinanong na naman ako ni Agna pero hindi na ako makakibo dahil sa lamig. Baha pa ang nilalakaran namin na abot hanggang tuhod.

“Hoy, g go umilag ka!” malakas na sigaw ko sa kanya ng makita kong may lumipad na yero.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong nakailag siya.

Muntik-muntikan na 'yon, ah!

Kung sakaling hindi siya makailag, baka napugutan na siya ng ulo sa talim noʼn. Lumilipad, e. Tangay-tangay ng hangin.

“T nginang yero 'yon, muntik ng mag-pipti pipti buhay ko doʼn, ah?” aba, nagbiro pa talaga ang mokong.

Siya lang rin naman ang natawa sa sarili niyang biro.

“Just shut up. Palibhasa, kanina ka pa nagbubunganga diyan kaya kahit yerong lumilipad na lang, hindi mo pa makita,” napailing ako saka muling naglakad.

“Nakita ko 'yon. Iniisip ko lang ang mga kaklase natin kaya nag-iingay ako kanina. Baka 'di mo kasi nadinig 'yong sinabi ko? Madalas pa naman, medyo lutang ka.”

Nang dahil sa narinig ko, nabatukan ko si Agna. Sinamaan ko pa siya ng tingin. Nakuha niya pa talagang pikunin ako sa ganitong sitwasyon.

“Oo, lutang ako pero malinaw na malinaw ang nadinig ko, okay? Stop pissing me off, Agna. Kaligtasan ng mga kaklase natin ang nakasalalay. Theyʼre waiting on us,” iyon na lang ang sinabi ko saka kami nagpatuloy sa paglalakad.

Despite of the rain, thunder, flying seams and branches of trees, nagpatuloy pa rin kami ni Agna sa misyon naming hanapin si Mang Pidong. Inaalog ko na nga rin 'tong flashlight dahil pawala-wala na ang ilaw. Wala na kaming halos nakikita dahil sa sobrang dilim. Mga natumbang puno ang nandito o 'di kayaʼy mga sanga ng kahoy na naputol.

“Pre, may bahay!”

“Ha? Nasaan?” muli kong inalog ang flashlight at sinipat ang kagubatan ng marinig ko ang sabi ni Agna.

I finally saw the house that heʼs saying. Nabuhayan ako bigla kaya naman dali-dali akong naglakad kahit pa namamatay-matay na ang ilaw ng flashlight na dala namin.

“Pre ano ka ba naman, saglit lang!” dinig kong paghabol niya saʼkin pero masyado akong na-excite kaya naman nagmamadali na talaga ako.

Maliit lang ang bahay na 'yon.

Ngayong nakita na namin ng malapitan, hindi ko alam kung dapat ba kaming umatras. Sobrang luma at mukhang abandonado na. Parang mangkukulam pa yata ang nakatira dito, e. Isa pa, sa dami ba naman kasi ng lugar, talagang sa kagubatan pa pumiling manirahan ni Mang Pidong.

Tao pa ba siya sa lagay niyang 'yon?

“Pre, ano? Papasok na ba tayo?” napalingon ako sa bandang likuran ko ng madinig ko si Agna. Muntik ko pang makalimutan na kasama ko pala ang mokong na 'to.

OvernightWhere stories live. Discover now