Chapter 31: Craving

10K 535 173
                                    

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

A/N: Next update of this book will be on Monday. Unadorned will be updated on its same sched this week (Friday and Sunday).

CHAPTER 31: CRAVING

ERIS' POV

"That was a good spar."

Hinihingal na nag-angat ako ng tingin kay Hugo at nginitian ko lang siya. I'm trying to catch my breath but it wasn't easy since the fight was really intense. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong lumagapak sa mat. But unlike before, nagawa ko namang maipanalo ang ilang round.

"I think you were going easy on me," I told him as I took his offered hand. Itinayo niya ako at inabot niya sa akin ang isa sa dalawang malinis na towel na hawak niya.

"I would have if I didn't know that you will kick my ass for it during regular training." Tumaas ang kilay ko na ikinailing niya. "Your sister already lectured me about how women here can protect themselves and there's a lot of female agents that are probably better than me when it comes to fighting. Hindi nga lang ibig sabihin ay madaling makipaglaban sa'yo ngayong may disadvantage ka."

Pinaikot ko ang mga mata ko nang makita kong bumaba ang tingin niya sa hawak ko na blindfold. Dalawang linggo na mula ng bumalik kami sa pag-training. Ngayon ay thrice a week pa nga namin iyong ginagawa.

"But that's not the reason."

"Eh ano?" tanong ko.

Imbis na sagutin ako ay tumingin siya sa isang direksyon. Napabuntong-hininga ako nang matanaw ko si Blaze na nasa labas ng nakabukas na pintuan ng training area. Nakaupo siya sa sahig at sa tabi niya ay naroon si Chance na nakaunan ang ulo sa binti niya.

Kumislap ang mga mata niya nang magtama ang mga mata namin pero kaagad naging blangko iyon nang lumipat ang tingin niya sa malaking lalaki na nakatayo sa tabi ko.

"Mainit ata ang ulo sa akin," sabi ni Hugo.

"Ganiyan talaga 'yan. Kamag-anak ko na lang ata ang hindi niya pagseselosan. Ganiyan talaga ang mga retired kabit. Takot sa sariling multo."

Napaubo si Hugo lalo na at nagsalubong ang mga kilay ni Blaze na siniguro kong maririnig ang sinabi ko dahil nilakasan ko pa talaga ang boses ko. I stuck out my tongue at him before I turn to Hugo that as always just find the situation funny. Masyado siyang good-natured kaya lagi siyang nadadamay sa aming mga kinulang sa kabutihan.

"The height difference is throwing you off. Hindi lang ang pag-a-attempt ni Blaze ng homicide sa'yo gamit ng tingin. Kailangan mong tandaan na hindi lahat ng makakaharap mo ay kasing laki mo o mas malaki sa'yo. You're nearly a giant—" Napatawa siya pero mukhang hindi naman siya offended kaya nagpatuloy ako. "And that's an advantage but a smaller person can use that against you. You are taller and you have more weight. A shorter person can use agility to match the strength of your hits. So you shouldn't let them get too close to you. Stay out of range and land your hits but when you can't and they got close, prioritize to neutralize movements."

BHO CAMP #10: The Wild CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon