Chapter 28: Luck

9.6K 514 167
                                    

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 28: LUCK

ERIS' POV

Kumpleto sana ang lahat para sa pupuntahan namin ang kaso imbis na popcorn ang nasa harapan ko ay malaking bucket ng french fries ang dala ko. Wala kasi akong balak ma-experience ulit ang sakit na naranasan ko noong isang araw na kumain ako ng popcorn. Sakit na mararamdaman ko pa rin hanggang ngayon kung hindi lang ako umiinom ng pain reliever. Kung pwede nga lang na gawin ko ang pag-inom no'n lagi maiwasan lang na bumalik ako sa dentist.

A bullet graze is nothing to me. Pero hindi ko nga ba alam kung anong meron sa dentista na mas takot talaga ako sa kahit na anong may kinalaman sa kanila kesa mabaril at tahiin ang sarili kong sugat.

"The film is old. Baka napanood mo na."

Kinuha ko ang ticket na inabot sa akin ni Blaze. "Okay lang. Saka hindi ko pa napapanood. You?"

"I haven't yet."

"Then we're good."

Ipinasok niya sa malawak na parking lot ng Mall of Asia ang sasakyan. Thankfully hindi naman masyadong madami ang tao ngayon dahil madali kaming nakahanap ng maayos na puwesto. Hindi rin kasi maganda kung sa harapan mismo kami paparada.

We're in the Movie By The Bay. It's a drive-in cinema that is a new facility of Mall of Asia. Dahil weekday at karamihan ng mga tao ay may pasok, kaunti lang ang mga naroon.

Lumingon ako sa malawak na back seat ng Mercedes SUV na minamaneho ni Blaze. Napangiti ako nang makita ko na nakasandal pa sa fluffy na unan si Chance na para bang komportableng komportable siya.

Masyadong spoiled kay Blaze. Mas madami pa ngang preparation sa kaniya si Blaze kesa sa akin. Inutusan lang niya ako na sumakay sa sasakyan habang para kay Chance ay dala niya pa ang kama, may unan, pagkain at tubig, at pati na mga laruan.

"Have you ever taken a date on a movie before?" I asked after awhile.

"Noong teenager pa ako."

"Not after? Bakit?"

"Dahil hindi panonood ang inaatupag ng mga ka-edaran ko kapag pumupunta kami sa sine noon. When I got older, I decided that bringing a lady to a cinema for a first date is not ideal."

Napangiwi ako. I can't relate to him dahil kapag may date ako noon ay laging chaperone si Mama o ang kapatid ko. It's one of the things that my father always insist on. Hindi naman sa pinagbabawalan niya kami ni Enyo. Sadiyang hindi niya lang gusto na lumalabas kami na walang kasama lalo na mga bata pa kami noon.

"Ew. Bakit hindi na lang kayo mag-motel?" tanong ko.

"We're all underage. And it's not what you think. We don't do things like that on cinemas. Kissing were enough."

BHO CAMP #10: The Wild CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon