Chapter 2: Hollow

10.6K 490 151
                                    

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 2: HOLLOW

ERIS' POV

Naghihikab na bumaba ako sa sasakyan. Natigilan ako nang mapagtanto ko na wala pa kami sa headquarters at papasok sana ulit ako pero sunod-sunod na napakurap ako nang umandar iyon at iniwan ako. I'm blaming my slow reflexes to my lack of sleep.

May sapat na oras sana sa byahe para makaidlip man lang ako pero dahil sa isang tao na panay angil sa tenga ko ay wala akong choice kundi manatiling gising.

"Do you think you're being a hero? What you did is utterly reckless!"

"And a bomb? For fuck's sake, Eris!"

"You were in an illegal fishing vessel! You could have blown up the whole place with you in it!"

Marami pang sinabi sa akin si Blaze na for some reason ay itinalaga ang sarili niya bilang maging konsensiya na bumubulong sa tenga ko habang binabaybay namin ang daan pauwi. Ang pagkakaiba nga lang siya iyong klase ng konsensiya na sumisigaw. Kahit si Freezale na hindi magawang makasingit sa kaniya ay nanatili na lang na tahimik.

When I realized that answering all his questions just rile him up more, I decided to just sleep. Iyon nga lang natunugan din iyon ng lalaking tatalunin pa ang mga magulang ko sa kakasermon sa akin.

"Bakit hindi ka sumasagot? Are you sleeping?!"

"You can't sleep! You got struck in the head! Gusto mo bang hindi na magising?"

Kaya ngayon pakiramdam ko any moment ay mawawalan ako ng ulirat sa antok. I haven't slept that long a day before... or to be honest maybe ever for awhile now. Bata pa ako ay may problema na talaga ako sa pagtulog. Kahit anong pagod ko sa sarili ko talagang inaabot na ako ng umaga bago dalawin ng antok. So when I'm tired and sleepy, I usually take advantage of it. Like I should have done hours ago kung hindi lang panira si Blaze.

Napatigil ako sa akmang pag-iinat nang makita ko ang mga taong naghihintay pala sa amin. I saw a couple of BHO CAMP Hospital's medical staffs, a woman who looks like she wanted to be anywhere but here, and Blaze that is currently crossing the distance between us with huge steps.

"Kanina ka pa nanenermon. Gusto mo rin ba ng face to face version-"

Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko nang sa pagkabigla ko ay hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila ako palapit sa kaniya.

For one moment, a part of me was expecting him to envelope me in his arms. For a moment... it brought me back to that night. Gabi kung saan nagulo ang lahat para sa aming apat. Sa kapatid ko na si Enyo, kay Blaze na noon ay boyfriend niya, kay Stone na kapatid ni Blaze pero may nararamdaman para sa kapatid ko, at ako na hindi na dapat nakisali sa problema na komplikado na nga.

BHO CAMP #10: The Wild CardWhere stories live. Discover now