Chapter 7: Minutes

10K 521 134
                                    


#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 7: MINUTES

ERIS' POV

Kalam ng sikmura ang gumising sa akin. Pagkatapos kasi ng meeting kahapon ay puro tulog na ang ginawa ko. I woke up once to force myself to eat saltine crackers so that I could drink medicine. Iyon lang kasi ang kaya ng energy ko na kainin. Hindi ko na kayang magluto at wala akong plano na maghintay ng food delivery.

My stomach growled again. It's not exactly what woke me but rather what activated it. May kung ano kasi akong mabango na naaamoy.

Inignora ko ang pagrereklamo ng katawan ko nang pilit akong umupo. My body feel sore but compared to yesterday ay mas maayos ang pakiramdam ko ngayon.

Napakunot ang noo ko nang maramdaman kong may dumulas sa mukha ko. Sinalo ko iyon at lalong lumalim ang gatla sa noo ko nang makita ko kung ano iyon. It's a cooler fever patch. Pinapunta siguro ni Enyo si Mama.

Tumayo ako mula sa kama at lalabas na sana ako nang mapatingin ako sa malaking salamin ng kuwarto ko. What the hell? Bukod sa kanina na nasa noo ko ay may nakadikit din sa magkabila kong pisngi pati na sa leeg ko. Ganoon na ba kalala ang lagnat ko kagabi para gawing post-it note ni Mama ang fever patch at ipagdidikit sa mukha ko?

Tinanggal ko ang mga patch bago dala ang mga iyon na lumabas ako ng kuwarto. The socks I'm wearing felt weird but I decided to ignore it since I'm still low on energy to change.

"Ma-"

Natigilan ako sa akmang pagsasalita nang may makaagaw ng pansin ko.

There's two giant penguins lounging on my sofa. Sa gitna ng mga iyon ay ang maliit ko na penguin na sa bed side table ko nilagay at hindi rito sa sala.

I can feel every vein in my body awakening, telling me what's coming next. As if starring on a horror movie, I walked slowly, rounding the wall that is blocking my view from the kitchen. Sunod-sunod na napakurap ako sa tanawing natagpuan ko.

Likod niya lang ang nakikita ko dahil abala siya sa harapan ng kalan at nagluluto. Pero hindi ko kailangan makita ang mukha niya para makilala kung sino siya. Dahil una, sino pa ba ang magdadala ng dalawang higanteng penguin dito sa flat ko? Pangalawa, alangan naman na ang asawa ng kapatid ko ang nandito ngayon at pinagluluto ako?

"Anong ginagawa mo rito?"

My voice sounded rough and it's painful to speak. Tuyong-tuyo kasi ang lalamunan ko.

He didn't even jump from the sound of my voice. Simpleng lumingon lang siya para tignan ako saglit bago niya binalik ang pansin sa ginagawa niya. "Nagpapaka-bayani kahit na may risk na mahawaan mo ako. Pinalaki kasi talaga ako na maging angelic."

BHO CAMP #10: The Wild CardWhere stories live. Discover now