Chapter 15: Devout

11.1K 600 130
                                    

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

A/N: Mahaba 'tong chapter na 'to. Kung information overload man, kayo ng bahala. Kaya niyo 'yan. I believe in you guys hahaha! Happy reading :)))

CHAPTER 15: DEVOUT

ERIS' POV

Halos tumutulo pa ang buhok ko nang isuot ko ang puting shirt at itim na jogging short na tanging mga malinis na damit na meron ako sa gym bag ko. Without wasting anymore second, I went out of the bathroom.

I was greeted by a busy control room. A surprise to no one, Freezale is already in front of the monitors, her fingers a blur on her keyboard that got used to her everyday abuse. Sa tabi niya ay naroon ang isa sa mga junior na si Alicia na katulad niya ay abala rin sa ginagawa.

Sa malawak na lamesa di kalayuan sa kinatatayuan ko ay naroon ang kapatid ko at ang asawa niya kasama ang isa pa sa junior na si Diesel. Kasalukuyang nakatutok ang mga atensyon nila sa mga papel na nasa harapan nila.

Muntik akong mapatalon sa kinatatayuan ko nang may malambot na bagay na pumatong sa ulo ko. Nalingunan ko si Blaze na nakasandal sa pader sa tabi ng banyo. Inangat ko ang kamay ko at naramdaman ko na bagong tuwalya ang basta na lang niyang isinaklob sa akin.

"Thanks," I mumbled.

He made a quiet "hmm" sound. His gaze travelled up and down my body and I couldn't help the instant flush of heat on my skin.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at mabilis na nilagpasan ko siya. This is one of the reason why you shouldn't start anything with a co-worker. Everything will just be awkward. Paano pa sa sitwasyon namin na mga lumaki sa iisang lugar? Our friends are friends with each other, our friends even married our family members, at kahit mga magulang namin ay magkakaibigan.

Lumapit ako sa magnetic rolling glass board na nasa isang tabi at hinila ko iyon sa gitna ng malawak na kuwarto. I looked around me to search for a marker, but one appeared in front of me, courtesy of the man I'm trying to ignore. Inabot ko ang binibigay niya pero hindi niya iyon pinakawalan agad. My head snapped up, our gaze meeting for another moment, and this time he held my eyes captive.

Kung hindi pa namin narinig ang pagbukas ng pintuan ay baka wala pa sa amin ang kikilos. Nag-iinit ang magkabilang pisngi na hinila ko ang marker na sa pagkakataon na ito ay binitawan na niya.

"Hugo! My favorite person!" nakangiting bati ng kapatid ko na kumaway pa. Nang tumikhim si Kuya Stone sa tabi niya sa narinig na sinabi ng asawa ay ngumisi lang siya. "Aside from my husband of course."

Nakangiting pumasok ang lalaki at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin. "Need help?"

"Sure," Enyo answered.

Sa tabi ko ay narinig kong bumulong si Blaze. "No."

Kinunutan ko ng noo ang lalaki. Daig pa niya ang bata na ayaw makipaglaro sa mga kaklase niya. For some reason I can imagine the small version of him. Iyong bata na ang liit pa suplado na kahit na ang hirap niyang seryosohin ng mga panahon na iyon dahil parang ang sarap niya lang kurutin sa pisngi. Feeling ko bumabalik ang batang 'yon kada ginagawa niya ang adult version niya ng pagtatantrum.

BHO CAMP #10: The Wild CardWhere stories live. Discover now