Chapter 23: Home

10K 589 140
                                    

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 23: HOME

ERIS' POV

There's a reason why people should avoid procrastinating. What you need to do won't disappear just because you are in denial that it needed to be done. Sa huli wala ka namang choice kundi harapin ang bagay na alam mo na kailangan mong gawin.

My mother used to tell me that procrastination will only prolong my agony. Kasi kahit na inuuna ko iyong mga ibang bagay, may isang parte sa akin na stress pa rin at iniisip iyon. So why not do what you need to do so that you can breathe free after?

When will you ever learn, Eris?

Napapabuntong-hininga na pinagmasdan ko ang door bell na nasa harapan ko. Kanina ko pa pinag-iisipan kung pipindutin ko iyon o hindi.

Pagkauwi kasi namin ni Blaze ay hindi ako kaagad dumiretso rito. Lahat na ata nagawa ko na para lang hindi ko muna gawin ito. Nalinis ko na ang buong bahay ko, mas maputi na ata kesa sa snow ang banyo ko, at si Chance na ang sumuko sa akin sa pakikipaglaro. Now here I am in my pajamas and I couldn't sleep.

Inangat ko ang kamay ko at akmang pipindutin ko na ang door bell pero hindi ko itinuloy iyon. Paano kung tulog na pala sila? It's already two in the morning. Makakaistorbo pa ako.

Tumatango-tangong tumalikod ako para umalis pero napaharap ulit ako sa pintuan nang may maisip ako. Kaya nga ako nandito kasi hindi matahimik ang kaluluwa ko. Gusto ko ng matulog pero hindi ko talaga magawa iyon dahil ang dami kong iniisip.

I raised my hand and I was about to pressed the door bell but I stopped midway again. Ilang ulit ko pang ginawa iyon at palapit na rin ng palapit ang daliri ko ro'n sa bawat attempt ko pero hindi ko talaga magawang pindutin iyon.

Nasa pang-apat na beses na ata ako at naramdaman ko nang dumaiti ang daliri ko sa buton no'n pero muli ko sanang iaatras ang kamay ko nang makarinig ako nang pagbukas ng pintuan. Before I could turn around to look, I felt someone pushed my hand... that made me pushed the button of the door bell in front of me.

"Kanina ka pa namin pinapanood at pati kami naiistress na rin."

Laglag ang mga pangang nilingon ko si Snow na siyang nagsalita. Sa pintuan ng flat nila ay nandoon si Phoenix at nakatayo habang karga sa isang kamay ang anak nila na si Daiquiri. Inangat ni Phoenix ang isang kamay ni Riri at ipinangkaway niya iyon sa direksyon ko.

"Kaya mo 'yan! Fighting!" sabi ng babae na binigyan pa ako ng dalawang finger heart. "Kapag nagpakasal na kayo ni Blaze dito ka rin lumipat ha? Huwag na kayong mag-villa."

May choice kasi ang mga agent kung gusto nilang lumipat sa family rooms na meron dito sa HQ kung saan mas malaki ang mga flat kesa sa regular na mga kuwarto para sa mga wala pang pamilya at asawa o kumuha ng villa sa publikong parte ng BHO CAMP. Those row of villas however are private and not accessible by the guests. Meron din naman na katulad nila Athena na may sariling bahay sa labas ng BHO CAMP. Actually maraming may property sa labas ng BHO CAMP kaya lang ginagawa nilang bakasyunan dahil dito pa rin nila gustong tumambay.

BHO CAMP #10: The Wild CardWhere stories live. Discover now