Tinignan niya ang dalawang cart na puno ng damit na nagustuhan ko. Napalunok pa 'ko habang nakatingin sa walang emosyon niyang mukha.

"I-ibabalik ko na lang ang iba." maagap kong anya at akmang aalis nang hawakan niya ako sa pulso para pigilan.

"Nah, do you still want to buy anything?" tanong niya na medyo kinagulat ko pa "A-ayos na 'to." tumango lang siya bago inabot sakin ang makakapal na purong isang libo.

Gulat ko naman yun kinuha habang tinitignan siyang lumabas ng store.

"Pak! Sugar daddy pala!"
"Gusto ko din ng ganyan!"

Naiilang akong humarap sa ale na tindera ng store dahil sa mga naririnig. Nakangiti ito sakin bago nilingon si Exodus sa labas.

"Napaka gwapo naman ng boyfriend mo iha, ingatan mo at tila madami kang kaagaw sa kanya." kinuha nito ang pinamili ko at binalot sa plastik.

"Hindi ko po siya boyfriend." kidnapper ko po siya. Dapat na idudugtong ko.

Napaawang pa ang labi niya sa sinabi ko "Ganun? Nako sayang at bagay pa naman kayo. Bakuran mo na iha at baka matuka pa ng iba." inabot niya na sakin ang mga damit ko bago sinabi ang presyo na babayaran ko.

Kunot noo akong lumabas sa store at hindi pa din naiintindihan ang sinabi ni Ate na baka matuka ng iba si Exodus. Bakit uod ba siya para matuka? Napailing ako, imposible. Di naman mukhang uod si Exodus.

"Uuwi na ba tayo?" tanong ko habang naglalakad kami. Hindi pa 'ko nakakaisip ng paraan para tumakas, tapos ngayon ay mukhang uuwi na kami.

"Let's eat lunch first." lihim na nag diwang ang puso ko dahil sa sinabi niya. Maya maya lang ay tumigil siya sa paglakad. Tinignan ko ang mukha niya at bakas dun na tila may nakalimutan siya na ngayon niya lang natandaan.

"Let's go to the nearest bank first, I'll withdraw money." hinatak niya ako sa pulso at habang nag lalakad kami ay nakaisip na agad ako ng plano.

Nang masulyapan ko ang bank na sinasabi niya ay agad akong umakto na tila may dinadamdam. Tumigil ako sa paglakad habang ngumingiwi.

"What's wrong?" nahihirapan kong tinignan si Exodus. "Naiihi ako, k-kanina ko pa 'to pinipigil pero lalabas na talaga." tila hirap na hirap kong usal.

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Exodus kaya bahagya akong kinabahan. "Ok, we will go to the bathroom first." hinatak niya ako papunta sa bathroom na malapit sa bank ngunit pinigilan ko siya.

"A-ako na lang! Look! Ang dami nakapila sa bank, kung hindi ka pa pipila ngayon baka matagalan tayo dito." oh my gosh!

Bakit ba kasi hindi ako pinanganak na magaling mag sinungaling!? Well hindi sa masyado ako nag aangel anghelan pero hindi ko hilig mag sinungaling talaga simula nung bata pa ako.

And I hope Exodus will buy my stupid excuse "Ok." tila may pag dududa niyang usal.

"Great! Don't worry I wont try to escape!" I gave him my sweetest smile to assure him that I'll not do anything stupid. He successfully let go of my hand before turning his back on me.

Wala naman akong inaksayang oras at agad na nag tungo sa restroom. Pag pasok dun ay naglibot agad ako ng tingin sa paligid ngunit wala naman tao.

Kidnapped By The Ruthless Criminal (Chavilire Series #2)Where stories live. Discover now