Chapter 44 - Spin the F bottle

1.7K 63 12
                                    

Happy 800! Thank y'all!

-

"Rei." I stuttered, "Look, it's not like that. Ave...Avery is a friend."

"I'm not asking."

I felt embarrassed lalo na ng marinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Ave. Finally, siya narin ang kusang kumalas.

"Right, umm Ave, this is Ma—"

"I know her, sweetheart. We had a talk kanina." Ave gave me a meaningful smile.

Kanina? Don't tell siya yung tinutukoy ni Anno na fish?

I stifled my laughter, "Great, then shall we?" saad ko saka pumagitna sakanila.

Shiva caught us as we entered the hall, "Here's the champ! Ohhh of two ladies! Let's welcome my dear cousin, Dacini!!" I cannot handle the embarrassment they are giving me.

"Sinong chix nanaman yang kasama mo, Dane? Andito yung original oh." Nakangisi anas ni Tara nang makarating kami sa table nila.

"Hi girls." Bati ni Ave sa mga kaibigan ko.

"Hala ang gorgeous ni ate girl." Bulong ni Tara.

"Thank you, sweetie." Sagot naman ni Ave.

Gusto kong matawa nang namula ang mukha ni Tara. Kilig yarn. Mukha nanaman silang nakakita ng artista sa reaksyon nila ng makita si Ave. There's nothing to deny, Ave in indeed a hell of a gorgeous woman.

The night went chaotic because of my banana cousins and demented friends. They joined forces in making the night loud and intense. May bangag ba namang mag aya ng truth or dare kaya napasubo kaming lahat dahil ang hindi sasali ay iinom ng tatlong cup ng JD. Between life or death ang choices nila kaya napalitan kaming sumali lahat.

Around 10pm natapos ang party ni Lego. Maraming nangyare nandiyan yung sumayaw si Tara sa mini stage na tinayo. May mga games din na hindi inurungan ng mga kasama ko kaya hakot award sila sa papremyo nila Abuelo lalo na si Tara at Millan sila talaga ang nangunguna sa kaingayan kanina. Tuwang tuwa naman ang mga bisita kaya napalitan ng saya kahit papaano ang awkwardness naming tatlo kanina.

If you all know, mid-party was the most intense situation I've been in. Ave and Anno were competing with each other for my attention. By means of my food, drinks, where I sat, and whom I would talk to. It felt like I was in the middle of a debate between the two candidates for the country's presidency. Whenever Ave begins to talk to me, Anno will follow hanggang sa hindi ko na sila masagot at sila nalang ang magusap.

My supporting buddies, on the other hand, secretly filmed us for fuck sake. In the thick of their argument, I looked like a toddler. I was literally staring and listening to their remarks. I just cannot.

"Spin the bottle, Dacini." Mapangasar na utas ni Tara.

"E kung ikaw paikutin ko." Bara ko sakanya.

Andito kami sa living room ng penthouse ni Uncle kung saan kami tumutuloy magpipinsan. Dito nila napagdesisyonan ipagpatuloy ang party na naging mitsa ng buhay ko. Pwera sa lasing na sila ang kukulit pa!

"Iikot mo na!" Napangiwi ako sa sigaw ni Amara.

Labag sa loob kong pinaikot ang empty bottle ng champagne. Malakas ko itong inikot habang kinakabahan sa matatapatan dagdag pa na nasa magkabila ko si Anno at Ave. Hanggang dito kasi ay hindi nila ako nilayuan kung si Ave ay lantaran kung landiin ako si Anno naman ay tahimik lang pero para akong kinukuryente sa kilig pag siya na ang gagalaw.

Tila nanuyo ang lalamunan ko nang tumapat kay Ave ang bote. Naghiyawan sila habang ako ay parang matatae na sa kinasasalampakan kong carpet.

"Avery for the win!" Cyon cheers.

Chasing Cars (GxG)Where stories live. Discover now