Chapter 38 - Easy on me

1.6K 61 13
                                    

-

"Mom, I want ice cream." Napatingin ako sa anak ko.

I nodded saka tumingin kay Thery, "Bili lang kami ice cream. Hintayin ka namin sa labas."

Tumango lang siya saka ginulo ang buhok ni Arki. Kakauwi ko lang galing Aklan pero inaya agad ako ni Arki lumabas kaya pumayag ako. Namiss ko rin ang anak ko dahil netong mga nakaraang araw sobrang busy namin dahil sa mga nangyare. Though lagi naman kaming magkasama sa bahay pero syempre iba parin yung quality time namin sa isa't isa tuwing naggagala. And now we're here at the mall, hindi namin talaga kasama si Thery pero nakasalubong namin siya paglabas ng department store kaya sumama narin samin.

Sa dalawang araw naming nagstay ni Uncle sa Aklan ay may nakuha kaming inpormasyon. Meron narin kaming suspect pero hindi namin pinangungunahan ang lahat dahil masyado pang magulo. Si Tito Shawn at Uncle na ngayon ang umaasikaso sa paghahanap ng impormasyon kay Hendrick kaya medyo nakaluwag ako. Nakabuti rin ang pag sabi ko sakanila ng totoong nangyare kaya natutulungan na nila ako. Mas napapabilis ang imbestigasyon kahit hindi kami humihingi ng tulong sa pulis. Walang tiwala ang pamilya ko sa mga pulis dahil minsan na nila kaming binaligtad.

"1 cup of mint chocolate." Sabi ko sa babaeng nagtake ng order.

Sa may stall lang kami bumili dahil malayo ang DQ. Habang hinihintay ang order nagkwentuhan muna kami ni Arki. Sobrang dami niyang kwento about sa school niya kaya napapangiti ako nang mapait. Andami ko nang nakaligtaang activity niya sa school na kasama ang parents. Nakakalungkot dahil kahit wala ako masaya parin siya. Nakukuntento na daw siya sa pamilyang nakikita niya pero alam kong nasasaktan siya. Kaya simula ngayon babawi ako. Katulad ko magaling magtago ng nararamdaman ang anak ko. Hindi man niya ako tunay na ina nakuha niya parin ang ibang pagkatao ko.

"Here's your order, ma'am." Ngumiti ako bahagya tsaka kinuha ang ice cream.

Arki smiled widely as I gave him his ice cream, just like me small things could make him happy, "Thank you, Mommy!" He even kissed my cheeks.

I ruffled his hair, then carried him. I was about to turn around when someone called my name. It wasn't Thery because it was from a woman.

"Dane?"

I looked back and saw Trina and Millan, Anno's friends, remember? "Oh hi, shopping?" I plainly asked.

Millan chuckled, "Yea, and who's this little handsome boy? Kapatid mo?"

Napangisi ako sa tanong niya, lagi kaming napagkakamalang magkapatid ni Arki dahil sa bata ng itsura ko pero pag sinabi kong anak ko siya ay para silang nakakita ng multo, "How can you say?" I asked.

Millan respond, "Kamukha mo, Dane. Ang gwapo ha—aha!" Nagitla sa sigaw niya, "Kaya pala hanggang ngayon wala akong jowa dahil kapatid mo pala ang para saki—aray! Trina, parang tanga." Daing niya ng hampasin siya ni Trina.

"Pati bata, Millan. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo." Sagot ni Trina habang maarteng nakatingin kay Millan.

Napailing nalang ako, "Teka kasama niyo ba si Anno?" Tanong ko nang maalala si Anno.

Huling kita pa namin nung Friday. Hindi rin kami nakakapagusap through text or call dahil busy ako at hindi rin naman siya tumatawag o nagtetext.

"Ahh si Max ba, may date sila ni Andre—ano ba! Nakakadalawa kana." Tinaasan siya ng kilay ni Trino saka tumingin sakin. Mukhang narealize niya namn ang sinabi nang bigla siyang ngumiti ng pilit, "Opss, sorry."

Nasaktan ako mga 5 pero wala naman akong karapatan pigilan si Anno makipagdate kay Tipaklongs lalo pa't nanliligaw rin 'yon sakanya.  I'm being fair, ya know. Sino ba naman ako diba, isa lang akong hotdog sa ref. Charot. Pero humanda siya sakin bukas babalik na ako at matitikman niya ang ganti ng isang hotdog. Pota ang corny ko talaga magdrama nakakabawas sa gorgeousness ko.

Chasing Cars (GxG)Where stories live. Discover now