Chapter 13 - Cockpit

1.8K 71 17
                                    


-

"No way." Madiin niyang tanggi habang umiiling pa.

Gusto ko man matawa ay pinipigilan ko dahil mukha na siyang sasabog. Alam niyo yung mukha siyang kinakabahan na galit dahil sa salubong na kitay at walang buhay n'yang mata tas' parang pinapalibutan pa siya ng itim na aura ganon na ganon siya ngayon. But still she looks hot and adorable at the same time.

I shrugged, "Whether you like it or not, sasakay ka."

She scoffed in disbelief, "Sinong may sabi? Asa ka."

Aba palaban talaga. Bumaba ako sa motor at walang pakundangan sinuot sakanya ang spare helmet na dala buti dalawang helmet na yung binili nila Mommy kaya ready na sa may aangkas tho hindi naman talaga ako nagaangkas this is the first time kaya ang swerte ni Anno once in a blue moon lang 'to 'no.

Pansin kong pinagtitinginan narin kami kaya binilisan ko na ang pag kaladkad kay Anno pasakay sa motor.

Sabi nga nila kung hindi madaan sa pakiusapan daanin sa paspasan kaya eto ako ngayon halos mapuno ng pamumula ang balat dahil sa kurot at hampas ni Anno.

"Ano ba bitawan mo nga ako." Piglas niya pa ng hilain ko siya palapit sa motor, "Gosh I can't believe this, you're crossing the line, Perez!"

Nakakarindi na ang bunganga ng isang 'to kung hindi lang dahil sa matang nakasunod samin ay pababayaan ko na siya dito e tangina kasing stalker 'yan feeling shadow ayaw pa magpakita.

Mula paglabas namin ng jollibee ay naramdaman ko ng may nakatingin samin pero kahit nung papunta palang ako ay napapansin ko na sadyang isinawalang bahala ko lang dahil baka napaparanoid lang ako pero ngayong nahuli ko na ang may aari ng matang 'yon ay hindi ko na pwedeng iwan nalang basta si Anno dito baka siya ang sundan.

Alam kong ako ang pakay nila dahil onti onti na silang napaparamdaman, hindi ko pa sinasabi kila Daddy ang kabobohan nilang pagsunod dahil ayoko rin silang mag-alala tsaka hindi ko rin alam kung ano ba ang gusto ng mga taong gumagawa neto.

Ang creepy nila dahil hinahayaan nilang maramdaman ko sila pero sinisiguro nilang hindi ko sila mahuhuli sa leeg. Kung isa naman sila sa mga nakalandian ko noon ay imposible dahil nasa US silang lahat alangan dumayo pa sila dito para lang sa gorgeous na ako.

I heaved a sigh bago tuunan ng pansin ang kitikiti sa tabi ko, "Ako na nga 'tong nagmamagandang loob umaarte ka pa. Fyi, Anno, never akong nag angkas sa motor ko kaya swerte ka nalang dahil ikaw ang kauna unahan."

Tuloy parin siya sa pagpiglas, "I don't need your help, kaya ko umuwi mag-isa at mas lalong wala akong interes makaunang umangkas sa motor mo dahil ayoko pang mamatay."

Natigilan naman ako sa sigaw niya, mamatay agad ang oa naman neto parang hahayaan ko naman mangyare 'yon tsaka mas mapapahamak siya pag 'di siya sakin sumabay, "Kasama mo ako kaya hindi ka mamamatay." Seryoso kong sagot dahil nagpapatigasan lang kami dito.

"I don't care just let me go. You sicko!" Wth! Sicko nanaman.

"Titigil ka o hahalikan kita?" Seryosong tanong ko sakanya ng buong pwersa ko siyang iharap sakin. Pero ang mata ko ay nakasunod sa sasakyan muntik ng sumagi sakanya.

May araw din kayo sakin. Whoever that animal is, they did it on purpose.

Nabalik ang tingin ko kay Anno ng tumigil siya muli ay gusto kong matawa dahil nanlalaki nanaman ang mata niyang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Ngayon ay pwede ko na siya iwan dahil umalis naman na ang nakasunod samin pero dahil nasimulan ko na ay lulubos lubusin ko na.

I stared seductively at her eyes, down to her lips, as I bit my lower lip slightly. I watched how her lips reacted to it, and they were left ajar. I return my gaze to hers when I'm slowly losing it. Damn it mukang ako pa ang nalunod sa kalokohan ko.

Chasing Cars (GxG)Where stories live. Discover now