Chapter 4 - Lunch

3.4K 110 12
                                    


-

"Dane, andito na pala kayo," si Sir Germano ang pumutol sa katahimikang namayani samin.

"Yes, sir. Obvious naman diba," sagot ko pero binulong ko lang ang huling salita kaso mukhang narinig yun ni Anno dahil nagangat niya ng tingin sakin habang salubong ang kilay. Tinaasan ko lang rin siya ng kilay na inirapan niya lang ang sunget naman ng isang 'to.

Umupo naman kami ni Amara sa tabi nung two idiots bali ang pwesto namin ay nasa dulo si Cyon tabi ng bintana katapat niya si Sir Germano na katabi ni Miss Serrano na katabi naman ni Anno sa side naman namin ay katabi ni Cyon si Tara then si Amara tas' ako apat kami so wala akong katapat. Nasa right side ni Cyon ang bintana kaya nakaharap kaming apat sa entrance ng cafeteria.

Pagkaupo ko ay dumako ang tingin ko sa lamesa na walang kalaman laman, "Di pa kayo umorder?" I asked them.

"Hindi pa hinihintay ka namin makakalimutan ba namin ang mahiwagang 'My treat' mo," prangkang sagot ni Tara habang ngingisi ngisi.

Pagkalabas ko ng wallet ko ay agad rin pagdakma ni Tara dito, "Snatcher ka ba? Akin na yan," Inis kong bulalas habang gulat parin bigla ba namang hablutin sayo yung wallet mo tangina may dyamante ako 'don e.

"Pwede rin. Nakita mo naman may skills ako," pagmamalaki pang sagot niya.

Siraulo talaga 'to kahit kailan akmang babawiin ko sakanya ang wallet ay naunahan na 'ko netong itago sa likod niya. Pinagbantaan ko pa siya ng masamang tingin pero ang hangal tinarayan lang ako 'saka siya nagsalita. "Maam, Sir, ano po order niyo?" Magalang na tanong nito akala mo namang siya ang gagastos kung makapagtanong.

"No. It's okay. Ako na bahala ng amin," Nahihiyang sagot naman ni Sir. Dapat lang madamot na ba 'ko 'non. Whatever.

"Nako libre na ni Dane Sir kumbaga celebration na 'to ng pagbalik niya," pilit pa ni Tara may pacelebration pang nalalaman pero sa pagkakaalam ko balak lang neto paramihin ang order para malaki ang babayaran ko.

'Di ko pa sure kung may cash ako dahil ang last na withdraw ko ay kahapon pa at pinangbayad ko rin sa pinamili ko.

"Yeah sure. Let's say it's my comeback celebration so tab's on me. Order lang po kayo maam, sir and Anno," I said convincing them. Pero kita ang pagtataka sa mukha nila. May nasabi ba 'kong weird?

"Anno? Sinong Anno? Si Maxcilin?" Sunod sunod na tanong nila Cyon.

It was too late for me when I realized I called her by her pet name. Shit, nasanay kasi ako. I awkwardly gaze at her, but she's minding her own world like she didn't even know na pinaguusapan na siya.

I thought she was approachable or kind, as per what our batch mates always say about her, even though she has this superior aura that will intimidate you because of her status and rank, but overall she's just an annoying girl to me.

Umiling lang ako, "What I mean is kay Ano 'di ko kasi alam name niya." I reasoned while scratching the bridge of my nose.

"Ah e ano na po sainyo sir, maam," balik na tanong ni Cyon dahil nagsisimula nanamang ang awkwardness sa pagitan naming lahat.

Mali talaga e maling mali na kasabay namin sila pa'no ba kasi sila nasama sa table namin.

"Honey Garlic Chicken with Rice lang sakin," Miss Serrano nonchalantly said.

I noticed that she was quiet kanina pa, or she was just like that pero hindi e sa pagkakatanda ko masunget siya pero hindi ganto. She was strict, but when we were with my friends, she was just like our troops, and now I can't see her, maybe because of me.

"Sayo sir?" baling naman ni Cyon kay Sir Germano.

Nilingon ko rin ito, "Ganon nalang rin kay Kaye," gaya gaya ka boy. Napairap nalang ako sa kawalan.

Chasing Cars (GxG)Where stories live. Discover now