Chapter 18 - Hamster's Day

1.5K 78 22
                                    


-

"Uncle, okay na nga po ako." Pilit kong maktol.

Ilang araw na akong nakakulong sa kwarto ko dahil ayaw akong palabasin ng bahay ni Uncle dinaig pa niya si Mom and Dad sa pagbantay sakin. Ilang araw narin ang lumipas mula ng mangyare ang insidente sa bus. Isang linggo narin akong absent nakakaurat na dito. Daplis lang naman ang natamo ko kaya hindi 'gano kalala pero mapilit si Uncle na baka lumala pa lalo.

"No. I said no, Dacini." May diin niyang sagot, "Subukan mong lumabas ako ang babaril sayo." Grabe talaga 'tong si Uncle pinagbantaan pa ako.

"Uncle, birthday ni Margo ngayon I can't miss it. Kaya ko naman e tignan mo oh." Sabay talon at nag susuntok pa sa hangin.

Magaling naman na talaga ang sugat ko. Sabi rin ni Mommy na pwede na ulit akong mabaril. Charot. Pwede naman na akong pumasok 'nong Monday dahil magaling ang doctor ko si Mommy at Tita Leigh dumalaw siya sakin ng mabalitaan ang nangyare actually lahat sila pati ang mga pinsan ko si Apollo lang talaga ang wala dahil sinabihan kong wag nilang sabihin sakanya dahil siguradong uuwi 'yon kahit wala siyang pahinga sa trabaho niya sa Espanya habang si Morph ay saktong umuwi ng Pilipinas para sa project niya. Pero eto ako sabado na at lahat bantay sarado parin ako kay Uncle!

Nahuli narin ang bumaril sakin pero hindi mapaamin, si Uncle ang humawak sakanya pero wala makuha. Inutusan lang daw siya at binayaran. Wala rin kaming nagawa kaya pinaubaya na namin sa Policia.

"Come here." Utos sakin ni Uncle kaya lumapit ako sakanya.

Ngingiti na sana ako ng matamis ng bigla niya akong hampasin sa balikat, "Aray! Uncle Alkiviadis Vamarus Achilleo! What was that for?!" I yelped.

"Buong buo." He sarcastically said, "Oh ano masakit? Kaya hindi pwede." Alangan 'Cle masakit hinampas mo e!

Itinaas ko ang manggas ng damit ko at pinakita ang pinanggalingan may peklat pa pero magaling na ang sugat, "Uncle, it's completely healed. It left a scar, but it's treatable." He sighed, "I know and understand why you're acting the way you are. Uncle, you're worried sick because you love me. And I can promise you that I will take better care of myself, which should ease your worries." He sighed again, I know this moment hindi niya na ako matitiis, "Nonetheless, my cranky old Uncle." I smirked, chuckling, "This should calm your nerves." I hand him a phone exclusively used for tracking only.

"It's a tracking monitoring system, kaya habang suot ko ang relo ko." Tinaas ko ang suot kong relo at sinundan niya 'yon ng tingin. Nagtataka parin ang mukha niya pero bahagyan kumalma ang nagaalala niyang mukha, "You can find me anywhere, kahit 'asa kadulo duluhan pa ako ng mundo." I smiled to convince him, "Kahit tumatae ako ay malalaman mo, Uncle. Magnonotif 'diyan 'Goddess Dacini is popping'." Biro ko pa na ikinairap niya, "Just kidding."

He heaved a sigh, "You're a really stubborn brat."

I smiled in victory, "Pwede ka naman sumama, Uncle kung gusto mo."

Kunware kong aya pero hindi 'yan sasama masyadong busy sa Univ nakakapagtaka nga na nadadalaw niya pa ako dito sa bahay e. Nakapameywang siyang tumungo sa pinto ng kwarto ko mukhang aalis na siya.

"You know I can't." Buntong hininga niyang sagot. Labag parin sa loob niya ang pagpayag sakin.

"I know." I walked towards him and gave him a warm hug, which he gladly returned.

Pagkatapos ay umalis narin siya dahil sobra talaga siyang busy lalo na this past few days andaming natakot na estudyante dahil sa nangyare at isa isa kinausap ni Dean ang mga magulang na may concern about the incident. Nagpatawag din siya ng meeting 'nong lunes sa lahat ng estudyante pero dahil absent ako ay hindi ako nakaaattend sinabi lang namn ni Dean ang nangyare and inassure niya ang kaligtasan ng lahat pinagdoble ingat niya rin ang mga bata kahit nahuli na ang may sala.

Chasing Cars (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon