Epilogue

75 3 15
                                    

I have known Majarlika's character ever since I was twelve. Wala pa sa konsepto ko noon si Grale pero si Majarlika, buong buo na. I know one day I would be brave enough to write her story. Now, here I am. Here we are. Braving it until here.

Maraming maraming salamat.

______________________________________

Ashton Grale Buenavista

Tinatanaw ni Grale ang dagat habang papasikat ang araw. The surrounding is still coated in a shade of bluish gray while the sky is painted in multiple colors blooming like a garden filled with different kinds of flowers. May ilang mga guests sa malayo pero bukod sa dalawang babae kanina na pinaunlakan niya ng picture taking ay wala nang nag tangka muli.

He inserted both of his hands inside the pockets of his jogging pants. He took a deep breath and tilted his head up a little more towards the sky. Mahinang hinahangin ang buhok niya.

Ever since he arrived at the resort a week ago, he does this. Actually, kahit noong mga nagdaang buwan, basta magagawi siya rito sa resort, gumigising siya nang maaga para tumayo sa harap ng karagatan para lang tumanaw sa malayo. Sa tuwing nasa city naman siya, ay ganoon din. Gumigising siya nang maaga at tinatanaw ang langit mula sa kanyang balkonahe.

May mga umaga na ayaw niya nang gumising. Ayaw niya nang iwan ang kama o lumabas ng kanyang condo. Pero sa tuwing maririnig niya ang matamis na boses ni Majarlika sa kanyang isipan, nagiging sapat na 'yon para magpatuloy siya.

Mabilis na pinaharurot ni Grale ang sasakyan pagkatanggap niya sa tawag ng ama ng nobya. Dalawang stoplight ang nilagpasan niya habang walang hinto sa pagbubusina. Hindi niya na nai-park nang maayos ang kanyang sasakyan at parang bagyo na tinakbo ang ospital.

Umawang at nanginig ang kanyang labi at nanginig nang maabutan niya si Tria sa hallway, umiiyak sa balikat ni Stacy. His cousin was in tears, too. Ang mga magulang naman ni Majarlika ay nakaupo, sapo ang mga ulo at gumuguhit ang sakit sa mga mukha.

"W-Where is she?" He stuttered.

Bumaling ang mga ito sa kanya.

Mabilis siyang tinakbo ni Tria at niyakap nang mahigpit. Sinapo niya ang babae sa mga bisig.

"G-Grale, si Maja. Yung b-bestfriend ko!" Humagulgol ito.

"What happened, Tria? She was fine before I left!" Naguguluhan niyang tanong.

She shook her head. "H-Hindi namin alam. A-Ang sabi niya inaatok na raw siya k-kaya tinulungan namin siyang makahiga. Ayos naman siyang natutulog habang... habang nandon kami ni Stacy..."

"Tito and Tita then arrived after they went to talk to Doc Venson," suminghot si Stacy. "Lumapit si tita Eva sa kama niya tapos... t-tapos tumunog na lang bigla yung machine..."

Natulala na lang si Grale ng ilang segundo.

Unti unting niyang nakikita kung paano mawasak ang mundo niya.

Lumapit siya sa mag asawa na nasa bleachers at parehong tulala. Niyakap niya ang ina ng nobya.

"She's inside. Sinusubukan nilang gawin ang l-lahat..."

Humigpit ang hawak niya sa ginang. "She's brave, tita. S-She'll surpass this..."

Yon ang gustong paniwalaan ni Grale sa mga oras na 'yon.

Na magiging ayos ulit ang lahat.

Na makikita ulit niya ang mga ngiti ng nobya. Maririnig ang masarap na tawa nito.

Lumipas ang dalawang oras.

Bumukas ang pinto ng operating room at niluwa no'n si Doc Venson. They all stood like a flash.

One Lost Summer (Brave Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon