Chapter 16: Majarlika

77 7 0
                                    

Majarlika De Luna

"Maaaaaja! I miss you so much!"

Tria squeezed her body kahit na hirap na hirap ang posisyon nilang dalawa sa loob ng sasakyan. 

Tinawanan lang ni Majarlika ang bestfriend na halos ayaw na siyang bitawanan pagkapasok pa lang nito ng kanyang sasakyan.

"Grabe! Two freakin' months and ang pretty mo pa rin! How are you? Kumakain ka ba ro'n ha? Your vitamins iniinom mo ba? For sure palagi kang nabibilad and thank god you're not forgetting your sunscreen!"

She chuckled. "We talk almost everyday on the phone, Tria. Ganyan mo ako ka-miss?"

Binitawan na siya nito at tsaka umayos nang upo at sinuot ang seatbelt. "Oo kaya, no! Iba pa rin talaga kapag nandito ka. You know, you're my one and only best friend kaya kapag wala ka ang boring ng buhay ko. Walang nakikinig sa mga hanash ko sa life and all."

Isang malapad na ngiti at iling ang isinagot niya sa kaibigan tsaka na muling pinaandar ang sasakyan. Sinundo kasi niya si Tria sa bahay nito at sabay sila ngayon papunta sa university para mag enroll. 

"At ang dami mong utang na kwento sa akin! You better start now or else…"

"Later, okay. Nag d-drive ako," she chuckled.

"Excuses, excuses," she muttered with a dismissing hand. 

Humalakhak siya pero hindi pa rin nagsimulang mag kwento. Not that she doesn't want to tell Tria anything, but she just doesn't know how to start it without her best friend noticing her growing admiration for Grale. 

Hindi naman sa sikreto ang pagkagusto niya sa artistang binata, but she just enjoys it being her own little secret for the mean it. She's enjoying exploring her own feelings. Discovering something new about herself. 

Gusto niya muna na siya lang ang nakakaalam ng nararamdaman niya. It's liberating; to feel something this foreign. 

P-in-ark niya ang puting Fortuner sa parking lot sa likod ng university katabi ang gymnasium. Enrollment kasi ngayon kaya sigurado siya na marami na ang naka park sa parking lot sa harapan ng university na tapat lang ng registrar building. 

Ayos lang naman na maglakad sila ni Tria mula gymnasium hanggang sa registrar building dahil madalas na nila 'yon gawin tuwing may pasok. Malapit lang kasi ang nasabing building sa College building nila.

"Everyone is staring because you just happened to bag every girl's dream boyfriend!" Tria whispered to her. 

Siniko niya lang ito at nilakihan ng mga mata ang kaibigan. Tinawanan lang siya nito tapos ay kumapit na ulit sa braso niya. 

Of course she noticed the kind of stares she's getting at. Hindi naman siya tanga para hindi malaman ang rason ng mga titig at bulunguan ng mga kapwa niya studyante. 

But then she's not really bothered by it, as long as no one comes closer to her to pull her hair or scratch her skin then she's all good. 

In fact, she's liking it; the curiosity in their eyes fuels something in her chest, burning something deep in her bones. 

Pagpasok sa registrar building ay hinila siya ni Tria saglit sa gilid na ikinataka niya. 

"Wait for me here saglit. Kukuha lang ako ng bagong ID sa loob then sabay na tayo sa enrollment booth."

"Nawala mo na naman yung ID mo? Tria, every year na yata 'yan ah…"

Tumawa lang si Tria bago pumasok sa loob ng isang brown na pinto kung saan ito kukuha ng bagong school ID. 

One Lost Summer (Brave Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon