Chapter 20: Majarlika

85 8 0
                                    

Majarlika De Luna

"Grale's right. You're an amazing artist…"

Ngumiti si Majarlika. "Thank you."

"Believe me, girl. Ang galing mo! I mean, do you plan on painting and then selling it? Ako unang bibili!" Cathy giggled. "Look at this, Bree, ang ganda diba?"

Tumango si Bree habang nakatingin sa sketchpad. Nandito silang apat na babae sa kwarto niya. Si Cora ay nasa balkonahe habang silang tatlo ay nasa kama. 

"Saan nakakabili ng ganyang kamay?" Biro ni Bree sa kanya. 

Tumawa lang si Majarlika. Masayang kasama ang tatlong babae. Ni hindi niya naramdaman ang pagiging sikat na artista ni Cathy dahil masaya itong kausap. Si Bree naman ay madalas tahimik pero magaan ang loob niya rito. Si Cora naman ay diretso ang pananalita at nakakatawa rin. 

"Woy, dito kayo," tawag ni Cora. "Tignan niyo yung tatlo parang mga tanga."

Bumaba sila ng kama at lumabas sa may balkonahe. 

Grale, Migs, and Dean are running around the seashore. Para silang mga bata. 

"Mga siraulo talaga," Cathy laughed. 

"Anong ginagawa nila?" She asked curiously. 

"Naghahabulan. Kung sino ang mahawakan ng taya siya ang susunod na taya," sagot ni Bree. 

"Naglalaro sila ng ganun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Majarlika. 

"Girl, kung alam mo lang!" Cathy laughed.

"Mga batang hamog 'yang mga 'yan," ngisi ni Cora. "Wag ka masyadong papadala sa pa-cool character ni Grale. Isa siyang dakilang pusit."

She chuckled. "Grale's actually really, really nice."

"He is," Cathy answered. "Pero tama si Cora. Isa siyang malaking pusit."

"Pero mas masaya siyang tignan ngayon," Bree uttered. 

Napalingon siya rito at makahulugan na itong nakangiti sa kanya. Majarlika understood that smile so she smiled back at her. 

"So, I guess I'm doing a good job," she said.

Ngumisi si Cathy. "I never saw him this carefree before."

"Sobrang saya ng loko,” Cora laughed.

“Hindi ba siya ganyan kasaya noon?” She was contemplating weather to drop Thea’s name.

“Masaya naman siya, but then you could see that he’s always watching his moves. Palaging may restrictions. May end point. May time limit…”

“Thea is a really, really nice girl. Madalas lang siyang ma-misinterpret dahil napaka straightforward niya sa mga bagay na gusto niyang makuha. Pero hindi pa rin deserve ni Grale na matago sa dilim. I mean, generally speaking, walang may deserve no'n,” Bree said.

“That’s why I’m thankful to you, Majarlika,” nilingon siya ni Cathy. 

She shrugged. “I honestly did nothing.” 

“Oh believe me, girl. Ikaw ang responsable sa mga ngiting 'yan."

Isang ngiti lang ang sinagot kay Cathy tsaka na binalik ang tingin sa tatlong lalaki sa dalampasigan. 

They were running around until a few girls in their bikinis approached them. Majarlika straightened her back upon watching. She guests them as their fans since it seems that they're asking for a photo. 

Umalis din ang mga babae pagkatapos. 

"Hindi ka ba nagseselos?" Cora asked beside her. 

"Why would I be?" She asked back, chuckling. 

One Lost Summer (Brave Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon