Chapter 21: Grale

97 7 1
                                    

Ashton Grale Buenavista

"Tapos may script reading ka ng nine a.m., lunch break ng eleven, dance rehearsal ng one hanggang four 'yon tapos— hoy hindi diyan!"

Tumigil si Grale saglit at tinahak ang hallway sa kaliwa. Kumanan kasi siya at mali pala 'yon. Nagmamadali silang dalawa ni Cora kasama ang kanyang team dahil male-late na siya sa shoot niya. It's a shoot for a famous magazine.

Pagkarating sa set binati siya ng mga staff at ng mismong director at photographer. Saglit lang 'yon dahil kailangan na niyang mag palit kaagad.

"I'll do topless, right?"

"According to the moodboard, oo. Second and third layout yata," Lou answered. Tumango siya. Beka and Lou were all over him inside the dressing room. Nagsimula na rin ang shoot pagkatapos siyang ayusan.

"Good shots, Grale! Let's go for the third lay-out!"

Nagpalit na siya ulit. Isang black suit naman pero ang itim na pants at puting long sleeves lang na bukas lahat ang butones ang suot niya. He was only holding the black coat.

Bumalik na ulit siya sa platform at nagpatuloy na sa shoot. Afterward, he moved towards the monitor and reviewed his shots. Inabutan siya ng tubig ni Cora habang kausap niya ang photographer at director.

"I like this one better," he pointed to the one where he's biting his shirt showing his glorious abs.

Natapos ang shoot pagkatapos ng pitong layouts. Tinulungan siya ng kanyang team sa pagbibihis at pag alis ng body oil sa kanyang katawan. It was used to make his body appear better in the camera.

Pagbalik sa van inabutan siya ulit ng tubig ni Cora. After fifteen minutes nasa building na sila ng network station kung saan gaganapin ang script reading ng bago niyang movie.

Pagpasok niya sa silid ay samut-saring pagbati ang natanggap niya galing sa mga kapwa artista. Nilapitan niya ang ilang mga beterano sa industriya at personal na bumati sa mga ito.

"Ninang," he kissed her on the cheek.

"Grale! I'm so glad I'll be working with you again! Kumusta na ang parents mo?"

"They're doing very well, ninang. Busy sa mga apo," he chuckled.

"Ikaw kaya kailan mo balak bigyan ng apo si Georgia? Aba malaki na si Clarisse! Ilang taon na nga ulit ang batang 'yon?"

"She's just turning five, ninang." Isang tapik galing sa likod ang natanggap niya kaya't binati niya rin ang mga ito. They're gonna be his co-actors in this movie. Mga kilala na rin sa industriya.

Nang ma-kumpleto na silang lahat ay nagsimula na ang script reading. He's sitting beside Ellise, his leading lady in this movie. They're from the same station but with different management. They greeted each other earlier.

"It's an honor to be working with you, Grale. Nung nalaman ko na ikaw ang leading man dito sa movie tinanggap ko agad. It's a waste of chance not working with you," Ellise told her, extending her hand.

Tinanggap niya ang kamay nito. "I'm also looking forward to working with you, Ellise."

Dumating ang lunchtime. Nasa isang room sila ng station kung saan may mahabang mesa sa gitna. Dito na siya kakain at maghihintay hanggang sa oras ng dance rehearsal niya na ipeperform niya bukas sa isang noontime show.

"Ito na yung lunch mo," Cora placed the food in front of him.

"My phone, Cora." Inabot naman 'yon kaagad sa kanya ni Cora. "Did Majarlika call?"

"Hindi pero nag reply siya sa text mo kaninang umaga. Ingat ka raw," she laughed. "Bilib din ako dyan sa girlfriend mo e. Hindi clingy!"

He just smirked and turned to his phone to message her. Alam niya na ang schedule ng klase nito dahil s-in-end-an siya nito ng kopya.

One Lost Summer (Brave Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon