"Yes sir, I'll wait." binaba ko na agad ang tawag bago natatakot na tinignan si Exodus. Sana makapunta agad sila dito, baka patayin na talaga ako ni Exodus oras na malaman niya na nakatawag na 'ko ng pulis para hulihin siya.

Ibinalik ko sa bulsa niya ang cellphone bago siya pinag masdan. Nakamaskara pa rin siya at ngayon na mahina siya hindi niya ako mapipigilan na tanggalin yun.

Naalala ko ang mukha niya nung gabing sinubukan kong tumakas. Nasa utak ko pa din yun at tingin ko hindi na yun mawawala pa.

Lumunok ako bago dahan dahan lumapit sa kanya para tanggalin ang maskara niya. Nang maalis ko sa buhok ang tali nito ay tila binubomba ang puso ko sa kaba.

Unti unting bumagsak ang maskara sa mukha ni Exodus at kagaya ng nauna kong reaction mabilis akong napasinghap at natulala.

Damn freaking hell! Hindi nga ako nanaginip nung gabing yun. How this man became a criminal!

His face screams perfection! He's like the most gorgeous man I've ever seen.

From his long and thick eyelashes, sharp nose, thick and shaped eyebrows. His perfect jaw that always tightens when he gets mad.

Dahan dahan na hinaplos ng daliri ko ang pilat sa kaliwa niyang mata. Imbis na papangitin siya nito ay tila lalo lang lumakas ang dating niya dahil dito.

I still can't believe that this gorgeous man is a psychopath. Huminga ako ng malalim bago ko inilayo ang mga mata ko sa mukha niya.

Snap out of it Serena! Don't fantasizing him as if you're falling for him! He is still a criminal and even though he is handsome he is still a bad person.

Pumikit ako bago ko nilagay ang maskara sa mukha niya. Tama, mabuting may maskara nga siya sa mukha. Nang makabit yun ay umupo ako sa tabi niya bago siya tignan.

Tingin ko ilang sandali na lamang ay nandito na ang mga pulis. Maliligtas na din nila ako.

Hindi ako mapakali habang nakaupo sa tabi ni Exodus. Sikat na ang araw dahil 6:30 na ng umaga ngunit hanggang ngayon wala pa ding pulis na dumarating.

Tinawagan ko sila nung 11 ng gabi. Bakit hanggang ngayon wala pa sila!? Ganun ba talaga kalayo at kahirap mapuntahan ang lugar namin ngayon ni Exodus?

Hindi maiwasan ng mga mata ko ang panlalaki nang makita na unti unting gumalaw si Exodus sa pagkakahiga niya sa sofa.

Nakalimutan ko na atang huminga ng idilat niya ang mga mata niya "Hmm, mermaid." paos at malamig niyang usal.

"Gi-gising kana?" lutang kong tanong na kinakunot noo niya. "What happen?" tanong niya bago lumabas ang mahinang daing sa labi niya nang gumalaw siya para tignan ang sugat niya.

"S-sugatan kang umuwi dito, nakuha mo naman yung bala sa katawan mo pero nawalan ka na ng malay kaya tinakpan ko nalang ang sugat mo para tumigil sa pag dugo." dahan dahan kong paliwanag


Natatakot na baka malaman niyang tumawag ako ng pulis. Pero nasan na nga ba ang mga pulis!? Bakit hanggang ngayon wala pa din sila?

Nag sisimula na 'kong mag overthink kaya nagitla pa 'ko dahil nasa harap ko na pala si Exodus. Gulat akong napahawak sa kanya nang buhatin niya ako na parang wala siyang sugat sa katawan bago siya naupo ulit sa sofa kandong kandong ako.

Kidnapped By The Ruthless Criminal (Chavilire Series #2)Where stories live. Discover now