Chapter 29

98 5 0
                                    

Years ago...


"Hello? Tama na kakasunod, please lang. Nagmumukha kang stalker sa ginagawa mo." Inis kong turan kay Finnian. Tirik na tirik ang araw walang ibang ginawa kundi sundan ako.


Wala siyang sinabi at pakiwaring wala ding narinig. "Finnian? Hello?" Tawag ko ulit sa kanya.


Halos lahat ng mga kababaihan ay nakatingin sa kanya. Namumukha siyang mutchacha o kaya nawawalang aso ko. Hinigpitan ko hawak sa bagong labas na limited edition kong bag saka siya tinalikuran. Tila hindi siya makikinig sa mga sasabihin.


"Ahh!" Sigaw ng pamilyar na boses sa likod ko.


Mabilis ako napalingon. "Hey! Ba't ka nanunulak?" Maarteng turan ni Everett. Nakasalampak siya sa semento.


Bumaling ako kay Finnian. "Finnian!" Sigaw ko sa kanya. Matalim ang mga mata kong tumutok sa kanya. Dumaan ang isang kilalang emosyon sa mga mata niya na siyang hindi ko pinansin.


Nilapitan ko kagad si Everett at tinulungan siya makatayo.


"Ayos ka lang?" Pag-aalala ko sa kanya. Bigla naman nito akong kinurot sa tagiliran. "Kilala mo ba siya? Ba't mo naman sinigawan?" Bulong niya sa'kin. "Hahawakan sana kita ng bigla niya kong tinulak bigla. Scary siya, sis." Dagdag niya.


Tinulungan ko siyang makatayo pagkatapos, tinanggal niya naman ang kamay kong nakapulupot sa kaniyang bewang.


"Hello! Finnian, right? Finnian ang pangalan mo. Ako si Everett." Inabot niya ang kanang kamay niya kay Finnian. Nakaramdam ako ng irita sa kinilos niya.


Hindi tinanggap ng binata ang kamay niya, kaya binaba niya nalang ito. Ang matalim nitong mata ay nakatitig sa'kin. Halatang hindi niya binibigyan ng pansin sinasabi ng kaibigan ko. Inilipat ko naman sa ibang sulok ang mata ko.


"Hayaan mo na yung kaibigan ko. HB talaga siya minsan." Tuloy niya pa.


"Halika na." Aya ko sa kanya. "May pasok pa tayo." Aalis na sana kami ng biglang nakaramdam ako ng palad na pumulupot sa kanang bisig ko.


My body reacted, full of voltage. His eyes sparkled every time they met mine. It seemed as though there were just the two of us in the space. Unexpected emotions that I couldn't put my finger on rushed over me.


"I'll be waiting for you in the parking lot." Pagkasabi niya non ay tumalikod ito sa'kin.


Naiwan akong nakatingin sa papalayo niyang katawan. Ilang taon na ba niyang kasama 'tong lalaki sa buhay niya? Mula ata nakaroon siya ng isip siya na ang kasama niya.


"Uy, tara na." Tapik sa'kin ni Everett.


"SEE YOU TOMORROW CLASS." Huling bilin sa'min bago lumabas. Huminga ako ng malalim sa dami ng ginagawa lalo finals na.


"Maya guys, ha! Doon tayo kari Opia." Sigaw ng kaklase namin. Umiling na lang ako. "Libre daw pagkain sa kanila. Mahuling pumunta, tira-tira kakainin!" Sinundan pa niya ito ng tawa.

CRIME (The Owners Series #1)Where stories live. Discover now