Chapter 12

188 5 0
                                    

NAGMADALI AKONG BUMALIK SA AMING SILID. Bawat hakbang ko ay parang may paulit ulit na boses sa utak ko na binibigkas ang mga salitang binitawan niya kanina.


Asawa


Lahat nang mga pangyayari sa buhay ko, alam kong tanga na 'ko. Pwedeng baliw na din. Hindi ako pwedeng tumigil ngayon. Alam kong masakit ang binitawan niyang salita sa'kin pero walang mas sasakit sa harap harapan niyang pag-amin sa asawa niya.


Tumunog nang malakas ang bell. Lahat ng istudyante ay nagsipasok sa silid.

Siting near the window while waiting for him to enter. I saw how the clouds wet the ground, big drops. After so many weeks, the droplets of water came to meet the ground.


Students stood and greeted him. Didn't laid my eyes on him. Maybe they notice me and tried to call me twice. And just didn't care much.


How can I stare at him and feel okay again, when someone's losing herself because of my selfishness.


"Zandra?" He called me. "Greet me." He said.

I swallowed hard. His voice. This feeling that I hated so much.


"Zandra, tawag ka ni sir." Bulong ni Opia.


Tumayo ako at pinilit kong maglagay ng ngiti sa labi ko. Sa pagharap sa kanya mga mata niya ang sumalubong sa'kin. Yumukom ang kamao ko.


"Asawa mo ba si Mam. Maris?" Lumabas sa bibig ko.


Lahat ng mga mata ay napunta sa amin. Sobrang tahimik ng paligid na parang walang buhay sa paligid. Samantalang nakita ko kung pano matigilan siya.


"Z-zandra. Ano bang tinatanong mo?" Sumingit si Everett. Hinawakan niya ang kamay ko. 

"Tumigil ka." bulong niya sa'kin.


Walang lumabas na kahit ano sa bibig niya saka umiwas ng tingin.


Hinablot ko ang kamay ko sa kanya. Nagbabadya ang mga luha sa mata ko. Ba't ko ba paulit ulit sinasaktan ang sarili ko? Alam ko na ang sagot, bakit ko pa pinapa ulit? Pinalit kong maging matibay sa mga nanlilisik nilang mata.


Nagising ako bigla sa lakas ng tapik ni Everett. "Ano ka ba? Tumayo ka, kanina ka pa tinatawag ni sir." Sabi niya. 


Tumayo ako kagad at binati siya. Ngumiti ito ng matamis sa 'kin saka lumapit sa pwesto ko. Kinapa niya ang leeg ko at sinalat ito. "Hindi ka naman nilalagnat, pero ba't namumutla ka?" Tanong niya.


"Salatin mo din ako, sir." Sigaw ng kaklase ko sa gilid. 

Nagsitawanan naman sila. Mabilis akong lumayo sa hawak niya. Parang napaso ako sa balat niya. Pansin niya ang pag-iwas ko.


Hinila niya ang kamay ko. "Let's go in clinic. Let them check you." He spoke. 


CRIME (The Owners Series #1)Where stories live. Discover now