Chapter 21: Chase

Start from the beginning
                                    

Pumasok kaagad ako sa meeting room ng makitang magsisimula na sila at sakto naman may isa pang bakanteng upuan katabi ng isang babae.

I smirked at myself ng makilala ko kung sino ito. Kung sinu-swerte ka nga naman.

Umupo kaagad ako sa tabi nito.

Tss. Hindi man lang ako nilingon.

Itinaas nito ang tingin at nagulat ng makita ako sa tabi nito. Looks like she didn't expect to see me.

"Hi." I said and smiled at her bago ko ibinalik sa harapan ang mga mata.

Even though I'm doing this charity works for kids, it's been two hours already at nangangati na akong maka alis sa meeting room na ito.

At mukhang ganon din naman ang katabi ko, dahil mababakas mo talaga sa hitsura nyang bored na bored na sya.

Napansin ko naman ang lalaki na katabi ng katabi kong may iniabot sakin na clipboard kaya kinuha ko ito.

I smirked at pasadyang tinamaan ang katabi ko sa ulo.

"Oppss.. sorry miss."

"Nananadya ka ba?" Pataray nitong tanong. This girl is sure a wild cat. But sorry na lang sa kanya dahil alam kong nagpapakipot lang sya at sa huli bibigay din.

"Why should I?" Balewalang sagot ko. I just saw her rolled her eyes at me saka hindi na ako pinansin.

"Jerk." I heard her whispered. Napa ngisi na lang ako ulit.

After the meeting ended, everyone decided to make me the president of the HCO dahil kaka graduate lang ng president ng organization four months ago at mukhang ang dami kong swerte sa araw na ito.

Carla Fuentes. That's her name. And she's my secretary.

It's getting more and more interesting.

***

[Childcare Orphanage]

"Miss secretary, paki check na lang sa list kung ok na ba 'tong ginawa nating mga packs ng pagkain." I called out for her attention ng makita ko itong busy sa pag arrange ng mga gagamitin para mamaya.

Everyone is busy today dahil ngayong araw gaganapin ang charity work ng school.

Childcare orphanage is an orphanage under school's donation. Nandito yung mga batang inabandona, minolestiya o di naman kaya wala ng pamilya sa buhay.

All of them were so unfortunate to have such life. Good thing may mga tao pa rin na mabubuti ang puso at gumawa ng ganitong lugar pa sa mga ito even though the world is slowly changing as the people were slowly being greedy.

"Yes sir." Rinig kong sagot nito at agad na tumalima.

"Anyways, yung mga balloons para sa mga bata I guess it won't be enough." I stared at her and nodded.

"Alright, magpapabili na lang tayo right after this." Naka ngiting kong sagot sa kanya saka kami nag patuloy sa mga ginagawa.

***

Keeping You Forever✔Where stories live. Discover now