Chapter 12: Fries

Magsimula sa umpisa
                                    

Napapabuntong-hininga na nilingon ko siya. "What?"

"Wala lang. Naiinip ako eh. Dapat lalabas ako ng HQ pero nakita kitang nakikipag-hide and seek sa tadhana mo kaya naisipan kong ikaw na lang ang guluhin ko."

Inignora ko ang huli niyang sinabi. Panigurado kasing hindi niya ako titigilan na asarin. "Wow. What an honor." Tumayo ako at iginalaw-galaw ko ang mga binti ko. "Nasaan ang asawa mo? Bakit hindi siya ang bulabugin mo?"

"Nasa trabaho 'yon. Ayoko siyang puntahan nagsasawa na ako sa kaniya."

Napatawa ako sa sinabi niya. "Alam ba ni Kuya Stone na sawa ka na sa kaniya?"

"Oo. Sinabi ko sa kaniya kaninang umaga. Mula kasi ng malaman niya na buntis ako kulang na lang mag-resign na siya para hindi ako iwan." Tumingin siya sa kisame at kunwa'y nag-iisip. "Actually noong isang araw gusto niya ng ipatanggal ang pangalan niya sa firm nila. Ang sabi ko kapag hindi niya ako tinigilan ipapa-annul ko ang kasal namin."

I just scoffed at what she said. Akala mo naman kaya niya talaga. Kada makikita ko silang mag-asawa hindi sila mapaghiwalay. Hindi ko naman masasabing si Kuya Stone lang ang clingy. Kasi hindi iilang beses na nakikita ko ang kapatid ko na kulang na lang ay magpakarga sa asawa niya para lagi silang magkadikit.

"Enough about me. Mas gusto kong pag-usapan ang mga ganap mo," may panunudyo sa tono ng boses na sabi niya. "Balita ko may date kayo kahapon ni Blaze ah? Maaga raw kayong umalis tapos gabi na kayo nakabalik."

Napakatsismosa talaga ng mga tao sa control room. Pakiramdam ko minsan ang mga agent na tumatambay doon ay naghahanap lang talaga ng "scoop" na maikukuwento nila sa iba. Maliban na lang siguro kay Freezale na nakatali na ang kaluluwa sa control room.

"We didn't went out on a date."

"Pero umalis kayo na magkasama?" nakataas ang kilay na tanong niya.

"Nagkataon lang 'yon."

"Nagkataon eh sa iisang sasakyan kayo sumakay?"

Lulusot ka pa kasi alam mo namang hindi kaya. Imbis na sumagot ay tinalikuran ko siya at naglakad ako papunta sa leg press equipment. I sat on the bench and placed my feet on the footplate and started pushing the platform back and forth using my legs.

"Hihintayin mo ba talagang sa ibang tao ko pa mabalitaan? I'm your sister. I should have VIP treatment. All access to the tsismis, you know?"

"Wala naman akong ikukuwento sa'yo. Hindi nga kami nag-date."

"Eh bakit kayo magkasama kahapon?" tanong niya.

"Naisipan lang ni Blaze na iparada sa harapan ko at ipa-rate sa akin ang mga dati niyang kaharutan." Wala akong balak ipaliwanag sa kaniya ang tungkol sa bucket list ko. It will just worry her and I don't want that.

"Alam mo parehas na parehas kayo."

Nilingon ko siya at kinunutan ko siya ng noo. "Nino?"

"Ni Blaze. Parehas kayong mahirap kausap. Hindi ko alam kung maaaliw ako na nakahanap kayo ng katapat sa isa't isa o maaawa ako sa inyo."

I just stuck out my tongue at her but I didn't say more. Una, ayoko nga kasing ipaliwanag ang tungkol sa bucket list ko. Pangalawa, hindi ko rin alam kung paanong i-e-explain kung bakit involve si Blaze sa mga trip ko sa buhay. Hindi ko nga alam bakit nakikielam lagi 'yon eh.

"Are you at least using protection?"

Muntik akong mahulog patagilid sa kinauupuan ko sa narinig kong lumabas mula sa bibig ng kapatid ko. Nanglalaki ang mga mata na nilingon ko siya. "What the hell, Enyo?!"

BHO CAMP #10: The Wild CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon