Chapter 53

209 8 1
                                    

                    ◖Shane's POV﹄𖨆

Pinauna ko nang lumabas si Davin. Hindi ko alam kung lalabas ba ako dito O hindi. Parang ayaw ko na, parang gusto kong dito na lang. Pero hindi naman pwedeng maghapon siya sa labas, baka sirain niya na lang ang pinto para makapasok.

" OH, SHITT!!! " sigaw ko nang may mapagtanto ako. Hindi niya pa pala alam na maykambal kami. Pano yan? Baka mas magalit yun at paniguradong magugulat kapag nakita niya si Davis at Davin. Sh*t! Sh*t!

Natataranta namang pumasok si Nana sa kwarto ko kaya nagulat din ako sakaniya.

" A-anong nangyari!? Bakit!? " tarantang tanong ni Nana.

" Na, easy lang. " aniya ko.

" Jusmio ka! Akala ko kung ano nang nangyari sayo at may pa sigaw sigaw ka pa! " anito. Napakamot ako sa ulo ko.

" E, kasi Na! Nasa labas si Eion, diba? At hindi niya pa alam na maykambal! Baka kung ano na ang magawa nun kapag nalaman niya. " aniya ko habang nakangusong nakayuko. Umamba naman itong papaluin ako kaya iniharang ko kagad ang dalawa kong kamay. " Nana naman eh! " reklamo ko.

" Aba! Eh! Ano pang ginagawa mo diyan!? Hindi ko pinapasok kagad si Eion dahil inaantay kita, tapos napakatagal mo pa! At ayan lang pala ang dahilan! Batang to, oh! Edi sabihin mo sakaniya! Ganoon lang kadaling bata ka pinapahirapan mo pa sarili mo! " anito.

" Eh..." kamot ko sa ulo ko.

" Aba'y! Eh, anong balak mo kung ganon? Itago ang isa sa kambal!? Ayy ayan ang hindi ko na mapapayagan! Sobrang kahibangan na iyan! Umayos ka na diyan at pagbuksan mo na si Eion sa puso mo- Ah! Eh! Ng pintuan doon! Dalian mo na! Batang toh!" aniya.

Nakasimangot naman akong pumasok sa banyo at naligo. Gusto ko pa sanang magtagal roon, kaso baka matuluyan na ako ni Nana. Nang matapos ako sa pag-aayos, lumabas na ako sa kwarto. Nilapitan ko muna ang kambal na naglalaro sa carpet ng sala.

" Hey, babies.." tawag ko sakanila.

" Mommy! You done? Daddy is waiting outside, can we open the door now? Because Nana said we still need to wait for you. We want to see daddy na po. " ani Davis at nagpuppy-eyes pa. Nag-squat ako para mapantayan sila.

" Bubuksan na ni Mommy ang door, but I want you to wait here. It's that alright? " sabi ko. Unang tumango si Davin.

" Alright, Mama. It's alright for me. Davis? " baling niya sa kakambal.

" I want to come with you Mommy. But it's okay if we need to wait here...a little." aniya na parang kinukumbinsi ang sarili na ayos lang. Ginulo ka naman ang buhok niya.

" Davis.." tawag ko. Malungkot naman siyang tumingin sa akin, kaya kumirot ang puso ko. He really wants to see his dad. " You can come with me if you really want to. " aniya ko. Agad namang nagliwanag ang mukha niya.

" Really, Mommy? " tanong niya. Tumango naman ako at bigla niya na lang hinawakan ang kamay ko. " Let's go, Mommy. Daddy is waiting..." aniya. Tumayo naman ako ng maayos.

" Wait us here, Davin. Okay? Don't worry you'll see your Papa. " aniya ko. Tumango naman siya at tipid na ngumiti. Hindi na ako mapapaisip pa kung kanino nagmana si Davin. Sa pagiging seryso at masungit pa lang nito minsan sa ibang tao, alam ko na kagad. Well...

Naglakad na kami ni Davis palapit sa pinto, sinulyapan ko muna si Davis bago tuluyang binuksan ang pintuan. Pagbukas ko roon nga si Eion, nakasandal sa pader na tapat ng pinto. Agad siyang tumayo ng maayos Nang makita kami. Masungit at seryoso ang mukha nito nang maabutan ko, ngunit agad ring lumambot nang makita kami.

" A-are you my Daddy? " tanong ni Davis. Napatitig si Eion kay Davis. Para bang namamangha pa itong may bata sa kaniyang harapan. He bite his lower lip, para bang nagpipigil sa kung ano.

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonWhere stories live. Discover now