Chapter 8

341 13 0
                                    


Arayy! Sh*t! Dumugo ang daliri ko nang mahiwa ako sa kutsilyo. Sa sobrang kalutangan ko hindi ko narin napansin na kumukulo na pala ang sinaing ko

. Kaya dali-dali kong hininaan ang apoy. Darn! Masusunog ko pa ang sinaing ko.

Nagtitipid na nga ako, masasayangan pa kung sakaling masunog to. Hinugasan ko narin ang nagdudugo kong daliri, hindi naman malaki.

Kanina tumawag ulit sila nanay, hapon daw nang magising si tatay pero nakatulog ulit. Unconscious parin siya. Kaya iyak ng iyak si nanay kanina nang tumawag siya sakin, kaya kinausap ko ang nakababatang lalaki kong kapatid na si Ace na pagpahingahin na muna si nanay sa bahay dahil baka siya naman ang magkasakit kung hindi magpapahinga. Sobra-sobra na ang nangyayaring paghihirap samin kaya kung maaari, iwasan na muna ang mga makadadagdag pa sa problema.

Pagtapos kong kumain, nagpahinga muna ako saglit at nahiga sa kama. Napapagod narin ako sa mga nangyayari, Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. May hangganan rin lahat ng kaya kong gawin, napapagod din ako. Pero sa ganitong sitwasyon kailangan kong magpakatatag at magpalakas. Gagawa ako ng paraan para mapagamot si tatay at maibalik ang dati niyang lakas. Pero Hindi ko na muna siya pagtatrabahuhin. Magdodoble kayod muna ako, kung maaari.

Pumikit ako at naalala ko naman ngayon ang lalaking patuloy na gumugulo sa isipan ko. Magta-tatlong linggo narin simula nung nangyari sa kotse niya, ginawa niya talaga ang sinabi niya. Sinundo niya ako sa bahay at sabay kaming pumasok, nahiya pa ko dahil lahat ng empleyado nagsisitinginan samin nun. Simula nun hindi ko na siya maintindihan, minsan cold, minsan gentleman, minsan pinapansin ako minsan hindi. Lakas makamood swing, e! Dinaig pa ko pag red tide.

Pero kaya hindi ako makatulog dahil sa sinabi niya kanina nang maihatid niya ako. ' Ready for tomorrow' daw. Ano bang ibig-sabihin niya? Haistt! Bahala na nga yon!

“ Ano kayang naiisip niya ngayon? Iniisip niya na kaya kung ano ang mood swing niya bukas? Hmmm... xD ”, tanong ko sa sarili ko. Tumingin ako sa bintana mula dito kita ko ang mga bituin sa langit. Itinaas ko ang kamay ko at umaktong parang inaabot ang bituin. Kung abot-kamay ko lang sana kayo, edi may little little star na sana ako. Natawa ako sa sarili ko. ‘ Nababaliw na talaga ako. ’ Maya-maya unti-unti na akong nilamon ng antok.

Kinabukasan~

Nagising ako dahil sa ingay ng kumakatok sa pinto ko. Linggo ngayon kaya rest day ko.Tumingin ako sa orasan at 6:30 pa lang.  Arghhh! Ang aga-aga pa! Wala na ba talaga akong pahingaa?!

Naiinis at tinatamad kong tinahak ang daan papunta sa pinto. May pakamot-kamot pa ako sa ulo dahil sa katamaran. Walang-gana kong binuksan ang pinto at nagulat kung sino iyon.

“ Good morning! ”, mayngiting sabi niya. Nasara ko kaagad ang pinto nang marealize ko na ang panget-panget pa ng itsura ko. Walang ligo. Walang toothbrush. Walang suklay-suklay. At higit sa lahat! Nakaspaghetti strap n damit lang ako! At walang bra! Shzt! Sh*t! Sh*t! Talagaaa!

Agad-agad akong pumanhik papuntang banyo at naligo at nag-ayos. Hahayaan ko muna siyang maghintay diyan, kesa naman magpakita ako ng ganito.

1 hour later.. .. .

Natapos narin ako, natagalan talaga ako dahil sa pag-aayos. Ilang beses ko pang tinignan sa salamin ang mukha ko kung ayos na ba O hindi. ‘ Ayos na to! Wooh, Shane! Kaya mo yan! Just act normally. Huwag kang magpapahalatang kinakabahan, okay? ’ Huminga muna ako ng malalim, bago tuluyang binuksan ang pintuan. Naabutan ko siyang nakasandal sa kotse niya. Kaagad siyang tumindig nang makita ako at lumapit.

“ You ready? ”, tanong niya.

“ Saan ba tayo pupunta? ”, naguguluhan kong tanong sakanya. He just put his hand on his pockets and walks back to his car. He open the door in the passenger seat and cooly waited for me.

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon