Chapter 46

192 5 2
                                    

Shane's POV

“ Umalis ka na. ” nanghihina at malamig ko nang sinabi. Hindi ko na kaya pang magtagal dito. Baka bumigay lang ako kung magtatagal pa ako.

Akala ko hindi niya parin ako bibitawan, ngunit nagulat ako nang dahan-dahan na niyang binitawan ang kamay at bewang ko. Bakit ang sakit-sakit makitang binibitawan niya ako? Pero ito naman ang gusto ko diba? Kaya dapat kong panindigan iyon. Umatras na ako at tumalikod. Maglalakad na sana ako paalis nang magsalita siya.

“ Hahayaan kita ngayon, pero hindi ibigsabihin niyon ay papakawalan na kita. Sa akin ka parin, Shane. Akin lang.    Kung hindi ka sasama sa akin. Ako ang gagawa ng paraan para ikaw na mismo ang lumapit sa akin. ” dinig ko ang diin sa bawat salitang binigkas niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Para na iyong sasabog, dahil sa bilis. Tumaas din ang balahibo ko dahil sa boses niyang mayawtoridad. Napahinto ako ng ilang sandali, ngunit pinilit ko paring maglakad para makaalis na roon.

Naguunahan sa pagtulo ang luha ko habang naglalakad ako papunta sa kwarto. Ang sakit-sakit ng puso ko. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha. Paulit-ulit ko iyong pinapalis, ngunit patuloy lang din sila sa pagtulo. Sh*t! Shane! Umayos ka! Hindi ka pwedeng makita ng kambal na ganito! Ginusto mo toh! Panindigan mo!

Nang nasa harapan na ako ng kwarto, huminga muna ako ng malalim at tinuyo ang mga mata ko. Inayos ko ang buhok ko at damit kong nagusot. Nang nakuntento na ako sa itsura ko, kumatok na ako sa pinto. Ilang segundo lang ang lumipas nang mabuksan kagad iyon. Sumalubong kaagad sa akin ang nakangiting kambal kasama si Ate Nina, ang nagbabantay sakanila kapag wala ako.

“ Mommy! ”

“ Mama! ”

Salubong nila at yumakap kagad sa akin. Nakayakap pa sila sa bewang ko habang papasok ako sa loob at habang nilo-lock ko ang pinto. Ngumiti naman akong pilit sakanila.

“ Hi, babies! Kamusta naman ang mga baby ko? Hmm? ” aniya ko habang niyayakap sila. Nagpunta na muna sa kitchen si Ate Nina kaya hinayaan ko nang tumulo ang luha ko. Pilit kong pinipigilan ang hikbi ko ngunit maynakakalabas parin.

Biglang humiwalay sa akin ang kambal kaya pinunasan ko kagad ang luha ko at pilit na ngumiti sakanila.

“ Mama... Don't hide your tears from us. Why are you sad? ...” tanong niya sa malungkot na boses. Agad ko naman silang pinaupo sa sofa.

“ Come here, babies...” tawag ko sakanila at inalalayan sila paupo sa magkabilang gilid ko.

“ Huhu! Davis is crying too because mommy is crying.” iyak ni Davis. Nangiti ako sa kabila ng pait na nararamdaman ko.

“ Hey! Hey! Mommy, is okay. Don't worry... ” pag-aalu ko sakanila.

“ Mommy is not. ” iyak ni Davis.

“ Davis is right, Mama. Can u tell us what happened?? ” maypag-aalala sa matang sabi ni Davin. Ilang taon na nga ba ang mga ito? Parang matatanda na, eh!

Niyakap ko sila ng mahigpit kaya gumaan-gaan na ang pakiramdam ko. “ Mommy feels better when she's hugging the two cute babies..” I said and chuckled. Ano kayang gagawin ko kung wala ang kambal na ito ngayon. Siguro sumuko na kagad ako...

Pero dahil nandito na sila, may dahilan na ako para lumaban at maging malakas.

“ is it because of Daddy, Mama? ” Davin asked.

“ I want to be honest with you babies.. So it's yes, baby. Your daddy is outside near the elevator, but I don't know if he's still there. ” sabi ko.

“ Really, Mommy? Can we go outside? ” ani Davis.

Nagulat ako sa request ni Davis. Natigilan ako saglit ngunit agad ding sumagot. “ I'm sorry, babies...” aniya ko. Nakita ko ang paglungkot ng mukha nila kaya nasaktan ako. I'm sorry. Ayoko lang na mapahamak kayo.. Masyadong malayo ang agwat ng daddy niyo sa atin. Baka madamay lang kayo kung sakaling mayhumadlang na naman...

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonOnde histórias criam vida. Descubra agora