Chapter 16

265 13 1
                                    


                Shane's POV

Nang magmulat ako ng mata sumalubong sa akin ang puting kisame Nang ipalibot ko ang mata ko napansin kong hindi pamilyar ang kwarto nato. Inalala ko ang lahat ng nangyari kung paano ako napunta dito. Nang maalala ko ang lahat, bigla na lamang akong napabalikwas ng bangon. Kinakabahang inangat ko ang kumot na nakatakip sakin at tinignan kung may damit ba ako, pero nakasuot naman ako ng maayos na white dress. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto.  Malinis iyon at mukhang mamahalin ang mga gamit. ‘ Nasaan ba ako? Hindi namin ito mukhang hide out ng mga rapist na yon base pa lang sa mga itsura ng mga yon! ’ sa isip ko.

Sa sobrang paranoid ko, napasigaw kaagad ako nang may biglang pumasok sa pinto at nagtakip kagad ng kumot.

“ Sino ka, ha? Sino ka? May balak ka bang masama sakin? Tulonggg! Tulungan niyo ko!  ”, sigaw ko habang nakatakip ng kumot. Nakita kong lumapit sa akin ang pumasok mula sa pagkakatakip ng kumot.

“ A-ah! M-ma'am huwag po kayong matakot sakin-”, aniya ng boses matandang babae napatigil siya sa pagsasalita nang may mga mabibigat na yabag ang dumating at nagsalita.

“ What's happening in here? Are you alright, baby?”, aniya nang bagong dating na lalaki at narinig ko ang papalapit na yabag niya hanggang sa maupo siya sa gilid ng kamang kinauupuan ko. ‘ Bakit parang pamilyar ang boses niya? ’ sa isip ko.

“ Huwag mo kong hahawakan kung sino ka man O kayo! Isusumbong ko talaga kayo sa mga pulis, makatakas lang ako dito! Wahhh! Tulonggg! Tulungan niyo ko! ”, sigaw ko muli at nagsisimula nang maluha.

“ Baby, Sh*t! I'm here! I'm not going to hurt you or anyone in this house. Come here. You're safe here, alright.”, aniya ni Eion. Napatigil ako nang makilala ko na kung sino ang lalaking nagsasalita.

“ E-eion? Eion! ”, aniya ko at tinanggal ang pagkakatakip ng kumot sakin at niyakap kagad siya. Humagulgol kaagad ako nang nasa mga bisig niya na ako. Now I feel safe because of his warm touch. Niyakap ko siya nang mahigpit at hinayaan niya lang ako habang hawak niya ang ulo ko at hinahalik-halikan ako roon.

“ Shh, baby. I'm here. Don't worry nobody can't touch and hurt you again. Sorry I'm late. I'm sorry. I'm so sorry.”, aniya habang hinahalikan ako sa ulo. Umiyak lang ako nang umiyak sa bisig niya. Nagpapasalamat ako na dumating siya. Dumating siya at iniligtas ako.

“ Hindi mo naman kasalanan ang nangyari. Nagpapasalamat pa nga ako na dumating ka at iniligtas ako. Salamat! Kung hindi dahil sayo baka...baka”, hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko dahil sa masama king naiisip at sa nagbabara ko nang lalamunan dahil sa kakaiyak.

“ Shh, baby. Stop thinking about that, okay? The important thing for now is you're safe. Shh, baby. Stop crying now. I'm here. I'm here. ”, masuyo niyang bulong sabay halik sa nuo ko.

Nang mahimas-masan na ako at kumalma, umupo na ako ng maayos at napatingin sa isa kong kamay na hawak ni Eion. Nanginginig pa ng konti ang kamay ko kaya hinahaplos niya iyon nang dahan-dahan.

“ U-uh Eion. Ilalapag ko lang ang p-pagkain niya. ”, parang kinakabahang aniya ng matanda at dali-daling inilipag ang pagkain sa bedside table.

“ Nay Ising it's alright. Okay na po siya. Huwag po kayong mataranta. ”, sabi ni Eion at nginitian ang matandang babae.

“ O-oh! Sige. May-ipapagawa ka pa ba iho? ”, mahinhing tanong ng matanda.

“ Pakisabihan na lang po si Tay Berto na pakituloy na lang po ang ginagawa ko sa balkonahe.”, magalang na sabi ni Eion. Habang kausap niya ang matanda napakabait at napakaamo ng mukha niya taliwas kapag nasa opisina siya.

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonWhere stories live. Discover now