Chapter 1

956 24 8
                                    

               Shane's POV

ANO BA YAN! Anong oras na ba? Inaantok pa ko e! Kinapa-kapa ko sa uluhan ko ang alarm clock ko. Tinatamad ko pa itong tinignan pero nung nakita ko kung anong oras na bigla akong napabalikwas ng upo. SH*T!! IT'S ALREADY 8 am! LATE NA KO SA TRABAHO KO!

Pumasok kagad ako sa banyo at madaliang naligo at nag-toothbrush. Nagsuot na lang ako ng damit na pinakamadaling isuot. Hindi pa ako nakaakapagsuklay pero mamaya na lang yon. DAHIL LATE NA TALAGA AKO! LAGOT AKO KAY MA'AM CHE NITO! Dali-dali ko nang kinuha ang bag ko at umalis sa apartment na tinutuluyan ko.

Pagdating ko sa sakayan ng jeep mas lalo akong kinabahan dahil sa haba ng pila. ANG MALAS NGA NAMAN TALAGA OH! Kaya wala akong nagawa kundi maglakad na lang.

Lakad-takbo na ang ginawa ko para makarating sa coffee shop. Dahil lagot na talaga ako! Halos patakbo na sana akong tatawid ng biglang may bumisina ng pagkalakas-lakas. TALAGA NAMAN OH! NGAYON LA BA AKO MUNTIK NA MASASAGASAAN KUNG KAILAN NAGMAMADALI AKO?!

Inis na tinignan ko kung sino yung bumisina ng pagkalakas-lakas!

“ HOY! IKAW NA KUNG BUMISINA PARANG KALA MO SAYO ANG BUONG KALYE! BUMABA KA DIYAN! HARAPIN MO KO! ”, pasigaw ko nang sabi. Aba! Hindi porket mga de-kotse ang mga toh! Hahayaan ko na lang! No! No! No! Wala akong pake-alam kung mayaman pa sila! Bahala na kung mapagalitan ako ni Ma'am Che!

Sa wakas, lumabas narin ang may-ari ng kotseng toh! Sisigawan ko na Sana ulit yung bumisina ng pagkalakas-lakas ng mapatigil ako sa lalaking nasa harapan ko. Sh*t! Ang Hottt!! Yung mga mata ay kulay blue. Ang tangos ng ilong. Ang nipis ng labi at natural na mapula na. At ang katawan niyang 'OH SO YUMMY! '

Pero napatigil ako sa pagnanasa- I mean sa pagtitig sa lalaki nang magsalita siya.

“ What's your problem miss? Your shouting like there's no tomorrow. I know that you fantasize my handsomeness. But mind to close your mouth? Or you want me to close it for you? ”, aniya sa mababang boses. Sh*tt! Hindi ko namalayan nakanganga na pala ako sa harapan niya. Nakakahiya! Pero Hindi ko ipapakita yun sakanya!

“ TSE! DON'T ENGLISH-ENGLISH ME KA DIYAN AH! Ang problema ko lang naman ay kung bumisina ka e parang ikaw ang may-ari ng kalsada! ”, naiinis kong sabi sakanya.

“ Tss. Kung tumutingin ka kasi muna kung may kotseng makakasalubong mo diba, Miss? ”, aniya. Marunong naman pala magtagalog in-englis english pa ko! At aba! Ako pa ang may kasalanan!

“ ABA! AT AKO PA ANG MAY KASALANAN, GANON?! EH KUNG TUMITINGIN KA DIN KASI KUNG MAY TATAWID DIBA?!”, pasigaw kong sagot sakanya. Nakakinis to a! Wala akong pake! Kahit gwapo pa to! Gwapo nga mayabang naman pala!

“ Can you please lower your voice? Your getting so much attention. And whatever your problem is I don't care anymore. I have so many things to do than talking to a 'palengke girl' ”, aniya. A-anong! Akma niya na sanang tatalikuran ako ng bigla ko siyang hinagisan ng isa kong sapatos!

“ W-what the f*ck?! ”, aniya sabay hawak sa ulo niyang natamaan ko.

“ Palengke girl ka diyan! Yan! Yan napapala ng kayabangan mo! Tse! Makaalis na nga! Pasalamat ka gwapo ka, kundi Hindi lang yan nakuha mo! ”, inis kong sabi sakanya. Kinuha ko na ang sapatos ko naglakad na paalis don. Hindi pa ko nakakalayo ng marinig ko ang huling sinabi niya.

“ Then be thankful too because your beautiful. And your not mine. For now. Because if your mine, I already kissed your talkative and kissable lips. Wait for me. My Shane. ”

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonWhere stories live. Discover now