Chapter 50

165 7 4
                                    

                   Shane's POV

Nang makauwi ako sa condominium namin, sinabi ko kagad ang napagusapan namin ni Eion kay Ate Nina. Sumandal ako sa sink at hinarap si Nana.

“ Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba iyon kay Azer, Na. Baka kasi magalit lang iyon lalo. ” sabi ko. Tumigil naman si Nana sa paghalo ng niluluto niyang sinigang na hipon, na ni-request ni Davin. Nang i-request ni Davin iyon, isang tao lang ang naalala ko. Mapait akong ngumiti nang maalala ko yung araw na tinuruan ko siyang magbalat ng hipon.

Flashback....

“ Ganito kasi ang pagbabalat niyan! ” Sabi ko. Ipinakita ko sakaniya ang isang hipon na hindi pa nababalatan. “ Tanggalin mo muna ang mga paa. Pagnatanggal mo na, isunod mo ang ulo. At ang huli, babalatan mo na. Alisin mo lang ang balat, madali lang ito matanggal kung magkakamay ka! Kung magku-kutsara at tinidor pa ako. Aba! Baka bukas pa ako matapos niyan! ” aniya ko at tumawa. Nakita kong napangiti siya.

“ It looks easy when you do it, but it's not when I'm the doing it. ” he said amusingly. Nagulat ako nang biglang tumalsik sa mukha ko ang onting sabaw na nasa hipon nang tanggalin ko ang balat nito. Natigil ako nang marinig siyang tumawa. “ What are you doing? ” tawa niyang sabi at kumuha ng tissue at dahan-dahang pinunasan ang mukha kong natalsikan. “ Para kang bata... ” tawa niya.

Hindi ako nakagalaw, natulala lang ako sa mukha niyang nakangiti. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Pero napakamahal non bago marinig, tapos ngayong hindi ko pa inaasahan maririnig. This is the first time I heard him laughed over something. Just like wow! Hearing his baritone voice laughed, is just amazing. It just like... I'm listening to my favorite song.

Napansin niya ang pagkakatigil ko at hindi pagsabay ng tawa sakaniya, kaya tumigil siya sa pagpunas sa mukha ko.

“ Why? What's wrong? ” he asked confusedly. Napailing lang ako at kumurap-kurap.

“ A-ah! Wala! Oh! Ikaw naman subukan mo.” aniya ko pagwawala sa usapan. Kinuha niya naman ang inabot kong hipon. Onti-onti niya iyong binalatan tulad ng tinuro ko sakaniya. Nang magawa niya naman iyon ng maayos napapalak-pak ako.

“ Oh! Ayan alam mo na! At alam mo ba yung iba sinisipsip ang ulo ng hipon? Want to try?...” I asked and grinned at him jokingly. Namutla naman siya at umiling-iling, kaya natawa ako.

“ No. No. I'm okay with this. ” aniya at agad na kinain na ang hipon na nabalatan niya. Tawang-tawa ako dahil inalis niya kagad ang ulo ng hipon sa plato niya at binalot iyon lahat sa tissue.

End of flashback.

That time is the second time he eats sinigang na hipon with him, kaya naisipan ko nang turuan siya. The first time he learned kung paano magbalat ng hipon. The first time I heard him laughed. The first time I eats with him without thinking about the people around us...

“ Huy! Shane! ” tawag ng pansin sa akin ni Nana. Napakurap-kurap ako at tinignan si Nana.

“ P-po? May sinasabi ka ba, Nana? ” tanong ko. Napahawak naman sa noo si Nana.

“ Itong batang toh! Kinausap ako tapos nung sagutin ko mayiniisip na kagad na iba. Sino ba yan, ha? Naku! Itong batang toh! ” ani Nana. Natawa naman ako. Lumapit ako kay Nana at naglalambing na niyakap ang braso niya.

“ Sorry na Nana, maynaisip lang. ” lambing ko.

“ Oh, siya! Sige na! Sino ba iyon? ” tanong niya at sinulyapan ako habang hinahalo ang niluluto.

“ Wala yun, Na. Tapusin na lang natin ito Nana. Baka magalit na ang bulate sa tiyan ng kambal. ” aniya ko at tumawa, winawala ang usapan. Lumayo ako kay Nana at lumapit sa kitchen kabinet para kumuha ng bowl. Inilapag ko iyon sa tabi ng stove na pinaglulutuan ni Nana. “ Tawagin ko lang ang kambal, Na. Si Azer po ba nakauwi na? ” aniya ko.

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonWhere stories live. Discover now