Chapter 17

239 12 0
                                    


              Shane's POV

Inis na tinuro ko siya at galit na tinignan. Nang magising ako nakita kong iba na ang suot ko, pero hindi ko kaagad naisip kung sino ang nagpalit non. Ngayon lang!

“ Ikaw! I-Ikaw ba ang nagpalit ng damit ko?! Ha! Sabihin mo ang totoo! Kundi makakatikim ka sakin!”, bulyaw ko sakanya.  Bigla naman siyang napatigil sa pagtawa ngunit nandun parin ang ngisi niya.

“ Why? What are you going to do if it's me? ”, ngising aniya. Lalo pang namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. ANO?! SIYA ANG NAGPALIT NG DAMIT KO?! NO! NO! NO!

“ I-IKAW! ”, nanggigigil kong sabi at turo sa kanya. Bigla ko siyang sinunggaban at pinagpapapalo.

“ Bastos ka! Bastos! Wahhhh! Bakit ikaw pa?! Meron namang babae dito sainyo, e! Wahhhh! Nakakainis ka! ”, sunod-sunod kong sigaw sa kanya. Tumatawa naman siya habang pinipigilan ako.

“ Baby, stop! It hurts ya'know! Masyado ka nang harsh sakin. ”, pigil niya sakin habang tumatawa. Pagod na tumigil naman ako napasalampak ulit ng upo. Nakakainis! Edi nakita niya na ang napaka-sexy kong bodyyy?! Wahhhh!

“ K-kulang pa yan sayo! N-nakakainis ka! ”, hinihingal kong sabi. Huhu! Nayy! Sorry naisuko ko na ang bataan sa napaka-hot at gwapong lalaking to!

‘ Hoy, Shane! Huwag ka ngang OA! Virgin ka parin naman! Ang oa mo! ’ sa isip ko. Napatigil naman ako dahil sa naisip ko. Oo nga noh?

“  Siguraduhin mo lang na wala ka nang ibang ginawa sakin! Kundii! ”, inis kong sabi sa kanya at umaambang susuntukin siya.

“ O-oo naman! I swear! ”, aniya at nagtaas ng kamay na parang nangangako. Napangisi naman ako. Masunurin naman pala toh! Good boy!

“ Paano mo nga pala ako nailigtas? Pano mo nalaman kung nasaan ako? ”, tanong ko sa kanya.

“ I-track your phone nung malaman kong umalis ka nang hindi nagsasabi sakin. ”, seryoso niyang sabi.

“ E, bakit naman po kasi ako magpapaalam sayo kung BUSY ka po sa kababata mo SLASH Special someone mo daw PO! ”, aniya ko habang nakangiti ng peke sakanya.

“ What? What are talking about? ”, naguguluhang sabi niya. Ano to? Biglang nagka-amnesia ang peg?

“ The kababata thing? You know? Diba nandun yung sino ba yun? Safa? Sopie? So.... Sofia! Yun! ”, aniya ko at inirapan siya.

“ What about Sofia? ”, naguhuluhang aniya. Seriously? Ano ba to? Napaka-slow, amp!

“ Tss. Diba nga maghapon siyang nasa opisina mo? Ni Hindi ka na nga nakalabas diba? Kaya PO umuwi na ako baka PO kasi sobrang BUSY niyo.”, sabi ko at nagpekeng ngiti sa kanya.

“ What? No! She's not there the whole time. Umalis na kaagad siya nang matapos ang usapan namin. ”, sabi niya. Abaa! Ako pa ang lolokohin neto?

“ Nako! Hindi mo na ako maloloko! Nang umalis ako sa opisina nakasalubong ko pa si Michael at nagtanong kung kasama mo pa ba yung kababata mo. ”, sabi ko sa kanya.

“ Hindi alam ni Michael na umalis na kagad si Sofia, pero nasabihan ko pa nga siyang hatiran ka ng lunch at huwag kang papauwiin kagad at hintayin ako dahil baka matagalan ako. ”, paliwanag niya. Ano?! Naguguluhan na ako. Wala naman sinabi saking ganun si Michael, e!

“ Walang sinabi si Michael na ganun, Eion. Tch! Magpapalusot ka pa! ”, naiinis kong sabi.

“ That's the truth. Hindi ako nagpapalusot. I swear. ”, aniya at umakto ulit na parang nangangako.

“ Bahala ka diyan! ”, aniya ko at tumayo na para pumunta sa banyo.

“ Ano ba kasing problema dun? Tell me.”, tanong niya ulit at masuyong hinahawakan ang kamay ko. Kinuha ko yon kagad sakanya at inirapan siya.

“ Tse! Tigilan mo ko! Magsama kayo ng Sofia-ng yon! Kababata slash special someone mo yon diba? Edi dun ka na! ”, inis kong sabi sakanya.

“ I didn't say that. You're my baby, okay?”, sabi niya sinubukan ulit na kunin ang kamay ko pero inilayo ko yon sakanya.

“ Huwag ka nang magalit. Bakit ka ba kasi nagagalit sakanya? Hmm? ”, tanong niya at masuyo akong tinignan. “ Are you... Are you-”, tinitigan niya ako. Naiinis na tinanong ko naman kung ano bang ibigsabihib niya.

“ Ano ba yon? ”, inis kong tanong.

“ A-are you j-jealous? ”, napapantiskuhan niyang tanong. Napatigil naman ako ng maisip ko yon. ‘ Am I?’ sa isip ko.

“ You're jealous. Nagseselos ka nga. Alright now I know. ”, ngising aniya nang mapansin ang pagkakatigil ko. Bigla akong pinamulahan ulit nang maisip niyang nagseselos ako.

“ H-hindi, ah! Hindi ako nagseselos,noh! Bakit naman ako magseselos! Kung gusto niyo maghapon pa kayo don sa opisina mo, e! Tch! Basta huwag na huwag ka lang talagang magpapakita sakin pag nangyari nga talaga yon! ”, inis kong sabi sakanya. Tumayo na ako at naglakad papunta sa banyo. Sinundan niya ako Kaya agad akong pumasok sa banyo at nilock yon.

“ Hey, baby! Open up! Don't be jealous, okay? You're my baby now. Heyy! Buksan mo na to, pleasee! I'm not going to tease you again. Promise.”, aniya at paulit-ulit na kinatok ang pinto.

“ Tumigil ka nga diyan! Hindi ko bubuksan ang pinto, noh! ”, inis kong sabi sakanya. Neknek niya noh! Manigas ka diyan!

‘Makita ko lang ang Sofia na yun......Edi Congrats! Kasi isa ka na sa paplastikin ko. ’ sa isip ko. At napangisi

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonWhere stories live. Discover now