Chapter 45

236 6 3
                                    

Shane's POV

Nanlalaki ang mata ko habang hinahalikan niya ako ng mariin. Halik na tila uhaw na uhaw. Hindi ko siya magawang itulak dahil sa panghihina ng katawan ko at sa nanlalambot kong tuhod. Ngunit nang tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na kami. Tinulak ko ang dibdib niya para makaalis ako.

Mabilis akong naglakad palabas at naramdaman ko parin ang pagsunod niya. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko dahil sa nangyari. Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang braso ko pabalik sakaniya. Sumubsob ako sa dibdib niya at agad kong naamoy ang pabango niya. He's manly scent.

" Ano ba!? " sigaw ko. Mariin niya akong tinitigan at mahigpit na kinulong sa mga bisig niya.

" You can't run away from me again, baby. " madilim ang mukha at mariin niyang sabi. I gulped because of his intense glares at me.

" Bakit ka ba nandito? Ang dami-daming condominiums at dito ka pa talaga napadpad? Huh! Ganito ba talaga mapaglaro ang tadhana? " I said and laughed with a tone of sarcasm. " Nakakatawa namang tayo pa ang pinaglalaruan, gayong hindi naman tayo ang nakatadhana sa isa't-isa, diba? " aniya ko at malamig na tumingin sakaniya habang mapait na tumatawa.

" Then we'll make our own destiny. " mariing aniya habang titig na titig sa akin. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko para na, para itong nagwawala sa loob at gustong-gusto nang makawala. At naroon narin ang halimaw sa tiyan ko na parang kinakain ang lakas ko dahilan ng panghihina ko. Ngunit hindi ko pwedeng pairalin ang nararamdaman ko ngayon. My twin needs me. They don't need a father na magpapagulo lang sa tahimik na nilang buhay.

" Bakit ka ba nandito? At anong kailangan mo sakin? Ha? " tanong ko habang pilit na itunutulak ang dibdib niya. Ngunit dahil sa tigas nito, ako lamang ang napapaatras.

" Nothing. Just you. " aniya. Naramdaman ko ang paghapit ng isang kamay niya sa bewang ko. Kaya mas lalo akong nadikit sakaniya.

" Ha! Ako ba pinaglololoko mo? " aniya ko at tumawa ng peke sakaniya. Nagdilim naman ang mukha niya kaya nagiwas ako ng tingin sa mata niya. " Huwag mong sabihin na nandito ka para lang sundan ako at-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang sagutin niya kaagad ako.

" I did. " seryoso niyang sabi. Napatigil ako. " I want you back. But whether you like it or not. I'll get you back." mariin at madilim niyang sabi. He wants me back? Huh! Nagpapatawa ba toh? Baka nakakalimutan niya kung bakit ko siya iniwan? At baka rin nakakalimutan niya na maaaring may manggulo na namin sa amin kung magsasama na naman kami? I can risk my happiness now, Eion. Because I'm not the Shane you met years ago. I'm the Shane now that'll do everything for her sons.

" Stop your childish games, Eion! Tigilan mo na ako. Tahimik na ang buhay ko. Huwag mo nang guluhin pa. " aniya ko. Nang tignan ko ang mata niya, parang maydumaang sakit roon ngunit agad ring nawala. ′Baka guni-guni ko lang? Dahil imposibleng masaktan siya sa sinabi ko. ′

" I'm not playing games, Shane. " mariin niyang sabi. Mula sa nagaalab na mata, naging malamig iyon. " Guluhin? Did I really make your life a living hell when you're with me, huh? " malamig niyang aniya.

Gusto kong bawiin ang sinabi ko pero bakit ko naman gagawin iyon? Dapat lang naman iyon, para umalis na siya.

" Masaya na kami sa simple naming buhay ngayon. Kaya tama na, Eion. " sabi ko.

" That's it, huh? And did you really think I would let you leave me again this time? I won't. Never again, Shane. Once is enough. And twice is too much. And Never. I. Will. Let. You. Leave. Me. AGAIN. " matigas at mariin niyang sabi.

" You can't do that, Eion. " pilit kong pinapatigas ang boses ko para hindi niya mapansin ang panghihina ko. Hindi kami pwede. Hangga't nasa taas siya at nasa baba ako, may patuloy na hahadlang sa amin. Kaya hindi pwede, lalo na't mayroon nang kambal. We never will.

" Umalis ka na, Eion. Bitawan mo na ako. May kailangan pa akong gawin. " malamig ko nang aniya. Pilit kong pinapatigas ang puso ko para hindi na ako muling madala pa sa mga salita niya.

" No. You'll come with me. " mariin niyang sabi at tinitigan ako ng nagbabaga niyang mga mata. " Hindi ka na pwedeng bumalik pa sa De Zalde na iyon! Understood? Sa akin ka na ulit titira! " commanding niyang sabi.

" Ano ba!? Hindi mo ba ako narinig? Umalis ka na at hayaan mo na ako!" sigaw ko at pinagpapapalo ang dibdib niya para makaalis ako ngunit hindi iyon nangyari. Tila parang napapaso lamang ang kamay ko tuwing dumadapo iyon sa dibdib niya. He still affects me.

" No! I won't go anywhere hangga't hindi kita kasama! " mariin niyang aniya.

Pumikit ako ng mariin. " Look. Bitawan mo na ako, dahil maynaghihintay pa sa akin. At kung ikaw wala kang gagawin. Aba! Wala na akong kinalaman diyan! Dahil ako marami pa akong gagawin! " inis ko nang sabi nang maalala ko ang kambal na paniguradong gising na ngayon at hinahanap na ako panigurado.

" Then, kung ayaw mong umaalis kasama ako. Sasama na lang ako sayo kung saan ka tumutuloy ngayon. I have no other choice, kundi iyon na lang. " sabi niya na para bang wala lang iyon sa kaniya at gagawin niya talaga iyon. Agad naman akong naalarma. Hindi pwede! Malalaman niyang may anak kami! Makikita niya ang kambal!

" N-no! Maslalong hindi ako papayag sa gusto mo! Nahihibang ka na ba talaga, ha!? " inis kong sabi.

" Why? You're hiding something?...." tanong niya.

" A-anong tinatago? Ano namang itatago ko, ha! " kinakabahan nang sabi ko. Hindi niya pwedeng malaman. Dahil baka pati ang kambal madamay sa gulo ng relasyon namin! Baka mapahamak lang sila lalo na't mayroon pang Sofia at mommy ni Eion na maaaring humadlang sa amin!

" Like... A boyfriend? " aniya kaya nawala ng konti ang kaba ko.

" Ano naman kung may boyfriend na ako? Masaya na kami kaya huwag mo na akong guluhin pa, Eion! " kailangang ilayo ko siya sa usapang anak. Kung kailangan ko na namang magsinungaling para lang mapaniwala siya sa ibang bagay gagawin ko. Para sa kambal...

" You have a boyfriend?..." galit niyang sabi. Hindi ako tumango O umiling man lang. " You're happy with him, huh? Is it more than happy than we have six f*cking years ago? Hmm? " madilim at maygalit niyang sabi.

" Simple at masaya na ako sa kung anong mayroon ako, Eion. Kaya sana maging masaya at makontento ka na lang din sa kung anong mayroon ka ngayon. " sabi ko at ngumiti sakaniya. Hindi ko alam kung napansin niya bang mapait na ngiti iyon O hindi, basta nagpatuloy ako sa sinasabi ko. " Sa future wife mo. Ituon mo na lang sakaniya ang pansin mo. Huwag mo na hayaang masira pa ang relasyon niyo. Huwag mo na hayaang may mawala ulit sayo..." nanghihina kong sabi. Maybe, that was Sofia? The future wife he was saying?

" How can I be f*cking happy, huh!? If you're my happiness? And you are telling me to let go of you, my happiness! F*cking tell me how! " galit at mariin niyang sigaw na nagpatalon sa akin. Nanghihinang ipinatong niya ang noo niya sa balikat ko. " F*cking how, baby? " he said huskily and in a low voice. Tumaas ang balahibo ko dahil sa boses niya.

Nagbabadya na ang luha sa mata ko ngunit pinigilan kong tumulo iyon. I shouldn't. Hindi dapat ako umiyak, ngunit hindi ko na iyon napigilan nang may nakatakas na luha sa mata ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, para pigilan ang hikbing gustong makawala sa bibig ko.

" Sometimes we need to let go of the things we can't have, Eion. Because if we're meant to be then we will make it. But sometimes there's some things, na akala natin ay para sa atin na. Pero hindi pala. Kung tayo talaga, kahit pakawalan mo man ako ngayon O sa susunod na araw. Babalik at babalik ako sayo at the end of the day, Eion. " aniya ko.

" No. Destiny can't dictate our future, we dictate our own future. It's our own choice of how are we going to dictate our own lives, baby. It's our own choice of what path are we going to choose." aniya. " And I ended up choosing you. Because someone says ′No path started as a path. Someone must walk on it for it to become a path' thats why I chose you. " aniya at tumigil para mag-angat ng tingin sa akin.

" I chose you because I want you to walk with me to make our own path. " aniya habang nakatitig sa akin.

Kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Pinili niya ako habang ako patuloy siyang itinataboy. Gusto ba talaga kaming paglaruan ng tadhana? Ang sakit-sakit niyang tignan na nasasaktan, ngunit anong magagawa ko? May anak na kami at kailangan ko silang unahin at protektahan pagdating sa mga taong nakapalibot sakaniya.

I don't want this Eion. Please.. Don't make it hard for us to let go.

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonWhere stories live. Discover now