Chapter 19

234 11 0
                                    


           Shane's POV

Nang maihatid ako ni Eion sa apartment, akala ko aalis na kaagad siya ngunit nagtagal pa siya.

“ Ano pa pong tinatayo-tayo mo diyan? Pwede ka na pong umalis.”, sarkastiko kong sabi nang mabuksan ko na ang pinto ng apartment. Nagulat ako nang itulak niya na pabukas ang pinto at tuloy-tuloy na pumasok.

“ I'm staying. ”, seryoso niyang aniya. Tinalikuran niya ako at pumanhik papunta sa kama ko, humiga siya doon at ginawang unan ang kaniyang mga braso. Gulat naman akong napatingin sakanya.

“ What?! Ano pang silbi ng pag-alis ko sa 'mala-mansyon' mong bahay, kung ikaw naman ang mags-stay dito?! ”, bulyaw ko sakanya. Kailangan ko na munang makapag-isip ng maayos, pero kung nandiyan siya wala akong ibang maiisip kundi... Kundi- SIYA!!

“ What's the problem with me, staying here?? Is there a guy you're hiding from me, that's why you don't want me to stay in here? ”, seryoso niyang tanong. Ano bang pinagsasabi neto?

“ Wala noh! Mag-isa lang ako dito. Kaya Hindi ko alam kung anong pinagsasa-sabi mo. ”, aniya ko at sinarado na ang pinto, dahil wala na akong ibang choice kundi hayaan siya. Tch! Bahala siya diyan! Wala naman siyang magagawa dito, e!

“ What are going to do now? ”, tanong niya habang nakapikit. Napatitig naman ako sa mukha niya. Mukha siyang maamo kapag nakapikit, kala mo sobrang bait kung tititigan. Napatigil ako sa pag-iisip nang hindi ko namalayang tinatawag niya na pala ako.

“ H-ha? Maysinasabi ka ba? ”, tanong ko kagad. Napatawa naman siya nang bahagya at nginisian ako.

“ You're very occupied for staring at me, that's why you don't hear me from calling you, huh? ”, ngising aniya. Nagmulat siya ng mata at ngumisi sa akin. Kaya napaiwas naman ako ng tingin sakaniya at namumulang nagpunta sa mini kitchen.

“ Anong p-pinagsasabi mo? May-iniisip lang ako at nagkataong sayo ako nakaharap,noh! Kapal neto! ”, nagmamaang-maangan kong sabi.

“ Then, sinong iniisip mo maliban sakin? ”, seryosong aniya. Aba! Ang kapal talaga neto! Maysinabi ba akong iniisip ko siya? ‘ Iniisip ko siya, pero hindi ko naman sinabi yun diba? ’ sa isip ko at napanguso.

“ W-wala. Hayy! Basta! Diyan ka na nga! ”, aniya ko at nagpunta na sa kusina. Magluluto na Sana ako para sa tanghalian namin nang marinig ko ang pagtawag ni Eion kasabay nang tunog ng cellphone ko.

“ Hey! Here. Your mom. Tumunog din yan kaninang, pero nung tinignan ko namatay na. ”, aniya at inabot sa akin ang cellphone. Sh*t! Nakalimutan ko palang tawagan sila. Ngayon ko na lang ulit nahawakan ang cellphone ko simula nung nangyari, baka nag-aalala na yon sa akin. O baka may nangyari na naman. Kaya agad-agad ko iyong tinanggap.

“ H-hello, nay? ”, aniya ko. Narinig ko ang pag-iyak niya Kaya agad akong nataranta.

“ N-nak. Bakit ngayon mo lang nasagot ang tawag? May nangyari bang masama sayo, anak? ”, aniya at patuloy sa pag-iyak.

“ A-ayos naman po ako, Nay. Kayo po? Ano pong nangyayari? Bakit ka po umiiyak? Si tatay po? Ang mga kapatid ko? ”, natataranta kong sabi. Naramdaman ko ang paglapit ni Eion sa likuran ko.

“ A-ayos naman ang mga kapatid mo pero ang itay mo.... K-kailangan na siyang operahan, nak. Pero hindi Kaya ng perang pinadala mo nitong nakaraang linggo. Milyon ang kailangan, nak. Milyon-milyon. ”, sabi ni nanay habang patuloy sa pag-iyak.

“ H-hindi ba pwedeng pa-operahan na muna si tatay? At babayaran na lang natin kapag nakahanap na ako ng pera? ”, tanong ko at nagsisimula naring maluha.

“ Pinakausapan narin namin nang ganyan ang doctor at iba pang nurse dito pero hindi sila pumayag. Kailangan daw munang magbayad bago operahan. Hanggang bukas na lamang kakayanin ng itay mo para sa pagpapa-opera, pero kung wala daw tayong maibabayad hanggang bukas baka...baka hindi na daw talaga kayanin ng itay mo. ”, aniya at humagulgol na.

“ Hindi naman ata pwede yon, nay! Uunahin pa nila ang pera kaysa sa buhay ni tatay?! ”, sabi ko habang tumataas na ang boses.

“ Yun din ang nasabi namin, nak. Pero wala parin kaming nagawa. Naaawa na kami sa itay mo at sayo dahil wala kaming magawa para makatulog. Nautangan ko na lahat ng kakilala ko, nak pero hindi parin kaya... Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, nak. ”, hagulgol na sabi ni nanay.

“ Maghahanap ako ng paraan,nay. Hintayin niyo lang po ako pupunta kagad ako diyan.”, aniya ko at binaba na ang tawag.

Nanghihinang maibaba ko ang cellphone. Blangko na ang utak ko, hindi ko alam kung ano na ang susunod kong gagawin. Ni hindi ko nga alam kung saan ako makakakuha ng malaking halaga ng pera, e! Pero kailangan kong makahanap ng paraan, dahil naghihintay sila nanay sa akin. Napaluha ako nang maramdaman ang bigat ng pasan-pasan kong problema.

Nakalimutan kong nandito nga pala si Eion. Naalala ko lang iyon nang maramdaman ko ang paghaplos niya sa braso ko. Napasandal na lamang ako sa dibdib niya sa likuran ko. Umiyak na ako ng umiyak habang nakasandal sakanya. Ayoko siyang harapin dahil ayaw kong makita niya ako nang ganoon.

“ Shh... I'm here. I'll help you, okay? Don't worry. I'm here. ”, aniya at tinatahan ako. Hinarap niya ako sakanya at tinanggal ang paglakatakip ng kamay ko sa mukha ko. Yumuko ako ngunit inangat niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko. He kissed my forehead at pinunasan muli ang mga panibagong luha na dumaloy sa pisngi ko.

Nagpapasalamat akong nandito si Eion sa tabi ko. Dahil kung wala siya, siguradong kanina pa ako nawalan ng pag-asa. Ano na kayang gagawin ko kung wala siya ngayon? Siguradong hanggang ngayon magulo parin ang utak ko at hindi makakahanap ng paraan.

Maybe... Kaya pinagtagpo kami ni Eion, dahil siya ang magdadala ng pag-asa sa buhay ko. And maybe someday...

Siya rin ang bubuo sa pagkatao ko. Maybe....

CEO SERIES #4: Hidden The Ceo's SonWhere stories live. Discover now