100// TROPANIM

19 3 21
                                    

TROPANIM

23:04

Zenaida

@Iris di ka talaga pupunta dito? Ikaw na lang ang kulang. Andito rin pati si dante. Pero di ko lam kung san sumuot ang lalaking yon.

@Dante wer n u?

Iris

Ay

Yow guysss bukas na lang ako pupunta. May ginagawa pa ako. OT ako sa trabaho ngayon. Dinala ko sa bahay ko yung trabaho 🥴😪

Zenaida

Pero tutulog ka rin dito?

Iris

Di rin talaga ako sure hahahaha. Maybe next time?? Ewaaan. Super layo kasi hahaha hassle magbyahe. Madalas pa naman pagod ako pagkagaling sa byahe

Allan

Grabe ka naman makasuper layo. Halos dalawang oras lang naman yata yung byahe mo

Iris

Yun na nga eh. Biruin mo dalawang oras, e ang byahe ko sa office papuntang bahay ay halos 15 mins lang. O di ba ang laki ng agwat😃😃

Tsaka super busy talaga ako

Zenaida

Bahala ka ilolock na namin yung pinto mamaya pag inantok kami. Well kung aantukin agad. Magchichikahan pa kami mamaya. Joke hahaha

Iris

Ge mang inggit pa hmppp. Sunod na lang ako jan bukas.

Zenaida

Haahhaahah

Btw nakasalubong ko pala si rizo kanina.  Ang wafuuuu

Nakausap ko rin 😍😍 hahahahaha skl

Magsstay rin pala siya ritooo. As in stay rin. Tas dance tutor pala trabaho niya. Di pa yata siya nagsisismula. At wala na rin yung dance coach niya

I mean buhay pa pero nagresign na kasi di na rin yata kayang paswelduhin. Well, marami na raw naman siyang natutuhan don kaya oks lang

Cesar

Wow ang daming nasagap na balita ah. Hahahaha

Zenaida

Ganon talaga pag interesado, marunong makinig. Yieeee hahaahhaa. Kulang na lang magkwento rin ako sa kaniya tas pakinggan niya rin ako hahaha

Iris

Ayan ka na naman sa pantasya mo. Ghorlll di mo siya reach. Parang ang taas niya kaya, di lang literal kundi pati na rin figuratively

Pero parang di pa rin siya ready sa responsibilidad. Idk pero parang sayaw lang ang alam niyang gawin sa buhay. Di sa dinadown ko siya ah, being practical lang. Kung dance tutor siya, baka onti lang tinuturuan niya kaya maliit ang sahod

Kaya nga minsan gusto ko ring bumitaw dito kaso gusto ko ring magsayaw hahahaha

Plus mukha namang wala pa yong balak magjowa

Zenaida

Grabe ka naman sa pagiging advanced mag isip. Crush lang naman ang sinasabi ko pero responsibilidad na agad ang iniisip mo. The logiccc amppp

Iris

Syempre naman. Di na tayo estudyante eh hahaha. Anumang oras pwede na tayong mag asawa kung gugustuhin natin. At di ko rin alam kung gaano kababaw o kalalim yang pagkagusto mo sa kaniya kaya ayown, nag assume ako na gusto mo siyang jowain

Anonymous (1191212518) (Part 1)Where stories live. Discover now